Prov'l Veterinarian Dr. Enrique Espiritu |
Ni:
Bennie A. Recebido
LUNGSOD NG SORSOGON, Hulyo 31 (PIA) –
Nananatiling malinis ang rekord ng lalawigan ng Sorsogon sa mga kaso ng rabis
ngayong taon ayon sa ulat ng Provincial Veterinary Office (PVO).
Ito ang inihayag ni Provincial Veterinarian
Dr. Enrique Espiritu sa ginawang Media Advocacy Mentoring Workshop sa
pangunguna ng Global Alliance for Rabies Control (GARC) sa pakikipagtulungan sa
pamahalaang lokal ng Sorsogon at ng Philippine Information Agency (PIA)
Sorsogon na ginanap sa Casa Domingo Restaurant, lungsod ng Sorsogon noong
nakaraang Hulyo 25, 2013.
Sa presentasyon ni Dr. Espiritu, sinabi
niya na wala pang naitatalang kaso ng rabis ang lalawigan ngayong taon kumpara
sa apat na kaso noong nakaraang taon at dalawa noong 2011.
Sa kabila nito, inamin ni Dr. Espiritu na banta
pa rin ang rabis sa buhay ng tao dahil sa naglilipanang stray dogs o mga asong
gala gawa ng pabayang mga pet owner kung kaya’t patuloy ang kanilang paglilibot
upang magsagawa ng rabies vaccination.
Maliban sa mga tinatawag na aspi o asong
pinoy, problema din ng PVO ang kawalan ng kooperasyon ng mga pet owner pati na
rin ang kakulangan ng kanilang mga tauhan upang libutin ang buong probinsya a tmakapagsagawa
ng pagbabakuna habang nagmamatigas ang iilan na pabakunahan ang kanilang mga
alaga.
Ilan pa sa mga suliraning kinakaharap pa ng
PVO ay ang patuloy pa ring pagkatay ng mga residente sa mga aso upang gawing
pulutan lalo na kung may pistahan at iba pang mga okasyon sa kabila na mahigpit
na pagbabawal ng batas sa pagkatay at pagkain ng karne ng aso alinsunod na rin
sa nakasaad sa R.A.8485 o Animal Welfare Act of 1998.
Sinabi pa ni Dr. Espiritu na umaabot na sa
54,262 ang kabuuang populasyon ng aso sa buong lalawigan ng Sorsogon base sa
isinumiteng ulat ng mga Municipal Agriculture Office o katumbas ng dalawang aso
sa bawat isang bahay o household.
Samantala, ipinaliwanag din sa isinagawang
Media Advocacy Mentorinisang nakamamatay na sakit sanhi ng Lyssa Virus at naililipat
sa tao sa pamamagitan ng kagat ng aso o laway nito na nakakakontamina sa sugat
at iba pang mucous membrane gaya ng labi, genital organ at iba pa.
Inirekomenda din ni Asst. Provincial Health
Officer Dr. Liduvina Dorion na sakaling makagat ng aso ang sinuman ay agad na
pumunta sa pinakamalapit na Animal Bite Treatment Center. Hindi nila umano
iminumungkahi ang nakakaugaliang pagpa-“tandok” dahil wala pa umanong
seyentipikong pag-aaral na magpapatunay na epektibo itong panlaban sa rabies
virus. Ang “tandok” ay isang pinaniniwalaang paraan ng karamihan sa barangay na
nakaka-alis o nakagagamot ng rabis.
Aktibo at positibo naman ang naging
partisipasyon ng mahigit sa 20 kasapi ng tri-media na nakilahok sa Media
Advocacy Mentoring Workshop. Pinuri din ng mga organizer ang naging bunga ng
isinagawang workshop na anila’y magagamit ng mga mamamahayag upang higit na
maging epektibong instrumento sa kampanya ng gobyerno laban sa rabis.
(BARecebido, PIA Sorsogon/RBolima)
No comments:
Post a Comment