Ni: Bennie A. Recebido
LUNGSOD NG SORSOGON, Agosto 28 (PIA) – Matapos
ipalabas nitong Huwebes, Agosto 22, 2013 ng Department of Agrarian Reform (DAR)
Central Office ang Partial List of
Designation and Assignments of Third Level Officials sa bisa ng Special Order No. 478, napag-alaman
nilang marami ang mga naging pagbabago sa kanilang ahensya.
Ito ang ipinaabot ni DAR Sorsogon Public
Information Officer Alura A. Jaso kung saan sa ngayon ay patuloy umano ang
pagpapatupad ng kanilang ahensya ng Rationalization kung kaya’t may ilang mga
posisyong nabago na ang pangalan, tulad ng Provincial Agrarian Reform Officer
(PARO) na sa ngayon ay tinatawag na nilang Provincial Agrarian Reform Program
Officer (PARPO).
Aniya, hindi lamang pangalan ng posisyon
ang nabago kundi maging ang mga humahawak ng posisyon sa loob ng ahensya ay
nabago rin.
Sa probinsya ng Sorsogon, ang dating hepe
sa Operation Division ng DAR na si Ginoong Felix E. Fruto, ay siya na ngayong
designadong OIC PARPO II habang ang dating hepe naman sa Support Services
Division na si Ginang Lucia S. Vitug, ang siya na ngayong designadong OIC PARPO
I.
Sa Provincial Agrarian Reform Adjudication
(PARAD) Office, nananatili ang pagiging PARAD Officer ni Atty. Raddy Tolentino.
Habang sa DAR Regional Office V naman, si Dir. Luis B. Bueno, Jr. na ang
bag-ong designadong OIC Director IV.
Ayon pa kay PIO Jaso, sa mga susunod na
araw ay aabangan din ang pag-upo sa pwesto ng bagong Division Chief sa mga
nabakanteng pwesto, pati na rin ang pagkakaroon ng bagong posisyon ng iba pang
mga manggagawa sa DAR. (BARecebido, PIA-5/Sorsogon)
No comments:
Post a Comment