Ni: Bennie A. Recebido
LUNGSOD NG SORSOGON, Enero 20 (PIA)
– Muli na namang pipili ang Civivl Service Commission (CSC) ng pinakamahusay na
Lingkod Bayan para sa taong 2014.
Ayon kay CSC Provincial Director
Arpon Lucero, muling maghahanap ang Civil Service Commission ng pinakamahusay
na pampublikong opisyal at manggagawa para sa taong kasalukuyan kung kaya’t
isang orientation-briefing ang isasagawa mamayang hapon sa pangunguna ng Civil
Service Commission Regional Office 5.
Layunin ng aktibidad na maikalat sa
publiko ang mga kailangang pamamaraan nang sa gayon ay mahikayat ang mga
kwalipikadong pampublikong opisyal at manggagawa na lumahok sa 2014 Search for
Outstanding Public Officials and Employees ng CSC.
Matatandaang alinsunod sa mandato ng
1987 Philippine Constitution, nakassad sa Executive Order 292 at Executive Order 508 na
inamyendahan ng Executive Order 77 at ng Republic Act 6713, ang Civil Service Commission
ang naatasang maghanap ng mga natatanging lingkod bayan na bibigyang parangal sa pamamagitan ng Phil.
Honor Awards Program (HAP) ng CSC.
Ayon kay Dir. Lucero, nais nilang
mas maagang maipakalat sa publiko ang mga pamamaraan kung papaanong magnomina o
maging nominado bilang isang mahusay na lingkod bayan nang sa gayon ay
makapaghanda ang mga ito para sa nasabing Honor and Awards Program ng CSC.
Dagdag pa ni Dir. Lucero na sa
gagawing orientation-briefing, magbibigay din sila ng mga flyers, babasahin at
iba pang mga campaign material upang mas marami ang makaalam sa mechanics na
kailangan para sa nasabing search.
Umaasa naman si Dir Lucero na may
mga Sorsoganon na lalahok sa gagawing search ng CSC ngayong taon. (BARecebido,
PIA-5/Sorsogon)
No comments:
Post a Comment