Thursday, October 31, 2013
Tuesday, October 29, 2013
Barangay Election mapayapang naidaos kahapon sa Sorsogon
![]() |
Mga botante habang naghahanap ng kanilang pangalan. |
LUNGSOD NG
SORSOGON, Oktubre 29 (PIA) – Naging mapayapa sa kabuuan ang naging pagtatasa ng mga
awtoridad sa naganap na Barangay Election kahapon, Oktubre 28, 2013. Sa tulong
ng mga guro na nagsilbing Board of Election Inspectors (BEI) para sa eleksyon
naging mas mabilis ang daloy ng botohan sa mga presinto na itinalaga sa
bawat barangay.
Ayon kay Sorsogon City Police Chief PSupt Aarne Oliquiano, wala
silang naitalang anumang mga insidente o karahasang maaaaring maiugnay sa
naganap na halalan.
Eksaktong alas-syete ay binuksan na ang mga voting precincts para
sa pagboto. Maliban sa naging kalituhan ng ilan sa paghahanap ng kanilang
pangalan, malakas na buhos ng ulan sa ilang mga lugar sa lalawigan, at iilang
mga reklamo ukol sa paglabag sa ilang mga panuntunan ng Commission on Election
(Comelec) ay nanatiling mapayapa, maayos at ligtas ang naganap na halalan.
![]() |
Alas-syete pa lamang ay nakahanay na ang mga botante. |
Nakalulungkot nga lang isipin ayon sa ilang
mga obserbador na sa barangay level kung saan napakalaki ng papel na ginagampanan
ng mga opisyal ng barangay sa pag-unlad ng komunidad ay kakambal na ng botohan
ang vote buying. Kaugnay nito, panawagan ng mga obserbador na nawa’y matutunan
ng mga botante na sagrado ang boto at hindi ito dapat na ipagbili.
Natapos ang eleksyon sa ganap na alas-tres ng hapon at sinimulan
agad ang bilangan para malaman ang mga nanalo sa mga barangay. Hindi na rin
inabot ng hatinggabi ang bilangan lalo pa’t kumpara sa mga nakaraang eleksyon
na gumagamit ng PCOS machine, ay mas maraming mga presinto ang binuksan ngayon
dahilan upang mabawasan ang pagsisiksikan at pagkakaantala sa pagboto.
Maging ang mga bilanggo ng Sorsogon Provincial Jail ay binigyan
din ng pagkakataong makaboto kung saan umabot din sa mahigit dalawang-daan ang
naging botante sa loob.
Matapos naman ang bilangan ay agad na ring iprinoklama ang mga
bagong halal na opisyales ng barangay. Hanggang sa sinusulat ang balitang ito
ay walang naitalang anumang mga pagpoprotesta mula sa mga natalong kandidato at
kung titingnan sa kabuuan ay mahinahon naman ang mga ito na tinanggap ang
kinahinatnan ng botohan sa barangay ngayong taon.
(AJamisola/BARecebido, PIA-5/Sorsogon)
Friday, October 25, 2013
Guinness World Record ng sabay-sabay na nagpapasusong ina target na malampasan
![]() |
Mga nagpasusong ina na nakilahok sa aktibidad. |
Ni: Bennie A.
Recebido
LUNGSOD NG
SORSOGON, Oktubre 25 (PIA) – Target na malampasan ng mga tagapanguna ng
isinagawang “Simultaneous Breastfeeding in Multiple Sites” kahapon, Oktubre 24,
ang kasalukuyang 15,128 na rekord ng sabay-sabay na mga nagpasusong ina sa 295
na mga lugar na nakatala sa Guinness Book of World Records.
Ayon kay Elmer Luis
Bonos, site organizer ng aktibidad sa Sorsogon City, 1,000 breastfeeding
centers ang itinalaga sa buong Pilipinas at mga kalapit na bansa nito sa Asya
upang makuha ang 30,000 na bilang ng pares ng inang magpapasuso at anak na papasusuhin.
Aniya, sa anim na
aydentipikadong breastfeeding center sa Sorsogon, target lamang nila ang 180
mother and child pairs, subalit umabot ito sa bilang na 337 kung kaya’t malakas
umano ang kanyang paniniwala na malalampasan nila ang kasalukuyang tala ng
Guinness World Record.
Sa bayan ng Irosin
ay umabot sa 76 na mother-child pair ang
nagrehistro at nagpasusuo ng kanilang mga anak; sa bayan ng Casiguran ay 57; 32
sa Magallanes; 64 sa Gubat; 43 sa Bulan; at 105 sa Sorsogon City.
Tinaguriang
“Sabay-sabay Sumuso sa Ina”, sabay-sabay na ginawa ang pagpasuso ang mga ina
alas-dyes ng umaga kahapon na tumagal ng isang minuto.
Ang “Simultaneous
Breastfeeding in Multiple Sites” ay inorganisa ng Nurturers of the Earth,
Members Church of God International at ng UNTV.
Ayon sa mga
organizers, matapos nilang maisumite sa kinauukulan ang mga kailangang
dokumento ay hihintayin na lamang nila ang resulta kung nakuha nila ang
kanilang target na mapalampasan ang kasalukuyang record ng Guinness World.
Ang PIA Sorsogon
ang isa sa mga napiling maging witness sa nasabing aktibidad.
Matatandaang ang
pagpapasuso ng mga ina ng kanilang sanggol/anak ay isa sa mga mahahalagang
programa din ng pamahalaan na mahigpit na ipinatutupad mula ipanganak ang bata
hanggang sa ikalawang taon nito o hanggat gusto ng batang sumuso sa ina.
Pinakamalusog sa lahat ng uri ng mga gatas
para sa sanggol ay ang gatas ng ina. Nakapagtataguyod ng kalusugan ang
pagpapasuso, nakatutulong sa pag-iwas sa karamdaman, at nakababawas ng mga
halagang pangpagpapakain at pangangalagang pangkalusugan. (BARecebido, PIA-5/Sorsogon)
Check Point sa ibat-ibang panig ng lalawigan ng Sorsogon nakalatag na bilang paghahanda sa nalalapit na halalan sa barangay
LUNGSOD
NG SORSOGON, Oktubre 25 (PIA) - Matapos ang naging partisipasyon ng Philippine
National Police (PNP) sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan mula sa
pagsusumite ng Certificate of Candidacy (CoC) ng mga kakandidato sa halalan sa barangay
at pagtatapos ng Kasanggayahan Festival sa probinsya ng Sorsogon ay pinaghahandaan
naman ngayon ng pamunuan ng Police Provincial Office ang pagtatalaga ng Police
Check Point sa ibat-ibang mga bayan sa lalawigan ng Sorsogon bilang paghahanda
sa nalalapit na halalan sa Lunes, Oktobre
28, 2013.
Kahapon
ay nagtalaga na ng 238 na mga kapulisan sa iba-ibang bahagi ng probinsya ng
Sorsogon kung saan 150 dito ay mula sa Police Regional Office-V, 50 mula sa Sorsogon
Police Public Safety Coy at Maneuver Coy, at 38 mula sa Police Provincial
Headquarters.
Ang
pagpapakalat ng Police check points at Police visibility ay isa sa mga
istratehiko ng PNP na taunang ginagawa upang mapanatili ang kapayapaan at
kaayusan sa lahat ng sulok ng Sorsogon.
Matatandaang
opisyal nang ideneklara ng Comelec na Liqour Ban simula sa Oktobre 27 sa ganap
na 12:01 ng hatinggabi hanggang Oktobre 28. Ibig sabihin ipinagbabawal sa panahog ang
pagbebenta at pag-inom ng mga nakakalangong alak sa mga tindahan, (FBTumalad,
PIA-5/Sorsogon)
Tuesday, October 22, 2013
OCD5, SPDRRMO conducts ICS for Sorsogon Provincial and City DRRMC members
![]() |
The "Earthquake" Group with the Cadres and City Mayor Lee. |
By:
Bennie A. Recebido
SORSOGON
CITY, Oct 21 (PIA) – The Office of the Civil Defense (OCD) Bicol through the
Sorsogon Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (SPDRRMO),
conducted on Oct. 2-4, 2013 the Basic Incident Command System (ICS) Training
Course for member/representatives of the Provincial and City Disaster Risk
Reduction Management Council (DRRMC).
Retired
OCD Director of Region 10 Mr. Carmelito Lupo said the rationale behind the
Basic Training Course is to organize an Incident Management Team (IMT) in
Sorsogon province and in Sorsogon City. “Sorsogon is the first to initiate an
ICS Basic Training Course in the Bicol Region for Local DRRMC members, and for
this, we commend the SPDRRMO in collaboration with the OCD-5 for laboring hard
to make this training realized” he said. Dir. Lupo is a National Cadre (expert)
who belongs to the first batch of ICS graduates.
The
ICS was institutionalized in 2012 based on Republic Act 10121, National DRRM
Council Memorandum Circular No. 4 and Executive Order No. 82.
Three
Cadres handled the discussion on the eight modules covering the three-day Basic
Training on ICS. Dir. Lupo discussed Module 1 (Introduction to ICS); Module 4
(Organizing and Managing Incidents and Events); and Module 8 (Transfer of
Command, Demobilization and Close out). Fire Chief Inspector Pamela Rojane
Candido, the City Fire Marshall of Bago City Fire Station in Negros Occidental,
Region 6 discussed Module 2 (The ICS Organization and Staffing); Module 5
(Incident/Event Assessment and Management by Objectives); and Module 7
(Incident and Event Planning). While OCD 5 Civil Defense Officer Mr. Exequiel
“King” Q. Dumaguin delved on Module 3 (ICS Facilities); and Module 6 (Incident
Resources and Resource Management).
Dir.
Lupo said that in ICS, the term “incident” refers to disasters, calamities or
occurrences, be it big or small. Incident is an occurrence caused by either
human or natural phenomena that requires response action. He also stressed on
the importance of following the “check-in” procedures for responders and the
use of common terminologies in ICS. Check-in provides for the identity of the
person(s) who will act as responders in a particular incident.
For
a better recall, he underscored three important words in ICS: “On-scene”, “All hazard incidents”, and “adopts integrated organizational structure”.
“Its
purpose is to ensure safety of people involved and achieve tactical objectives
and efficient use of resources. This is why the objectives to be set must be
Specific, Measurable, Action-Oriented, Realistic and Time-Bounded (SMART),”
Dir. Lupo said.
According
to him, ICS is not only used in incidents but can also be used during planned
or organized events like festivals. He
said incident is unplanned while events are planned activities.
He
presented two examples showing an ICS organizational structure during an
initial response to an incident structure and how functions and resources as
well as divisions/groups are added when incident gets larger or more complex.
This explains better the Expanded Operations Section in a particular incident
or event. He said the incident can be organized geographically with Divisions;
functionally with Groups; and jurisdictionally through Branching.
Cadre
Lupo further said that in an Incident Management, the team can decide whether
to use a Single Command, Unified Command, Incident Complex and Area Command. He
cited the search and rescue/retrieval case of Sec. Jesse Robredo as an example
of a Unified Command where all agency heads involved act as an Incident
Commander (IC), they only need to have common objective and understanding as to
how to manage and employ strategies for the incident.
The
training course likewise provided the participants hands-on activities honing
further their skills in coming up with a more organized system in responding to
an incident by utilizing the ICS Forms 211 (“Check-in to an incident” Form);
ICS Forms 201 (Current Organizational Structure Sketch Map; Planning Cycle; and
Resource Summary); ICS Form 215 (Operational Planning Worksheet); and ICS 215A
(Incident Action Plan Safety and Risk Analysis Form).
According
to Cadre Dumaguin, resources in ICS are classified as personnel, equipment, and
supplies (PES). “To manage resources in the context of ICS, form 215 must be
utilized,” he added.
ICS
organizational structure provides for an IC who acts as the over-all team
leader, his command staff includes the liaison, information and safety
officers. It has also its respective sections composed by the Planning Section
Chief who does the plan, arrangement and preparations; Operations Section Chief
who identifies the needs; Logistics who orders the resources needed; and the
Admin and Finance Section Chief who provides for the budget.
The
Local Chief Executives like the President, Governor or Mayor are the
Responsible Official. They set policies and direction in order to achieve the
incident goals. They can also act as IC but they can delegate their being ICs
to authorized official who have an ICS background.
Cadre
Dumaguin further said that the main objective of an ICS is to save life;
stabilize incident; and preserve the environment, properties and other
resources. The role of the ICS is to put order into chaos.
Meanwhile,
Cadre Candido said that an IC must consider assessment and safety as well as
planning and resource meeting where IC assumes command and establishes Incident
Command Post (ICP), immediate incident objectives, strategies and tactics.
As
an activated IMT, members should know where the Incident Command Post (ICP) is.
Its symbol is a square equally divided by a diagonal line and the lower half is
shaded with light blue color. A traffic plan must also be made.
“Planning
Section is very vital in the IMT. Whenever there is an incident, the IMT must
be activated at once, and plans must immediately be made. Giving of briefing
before deployment of persons concerned is very important because all the
nitty-gritty will be discussed here like food, emergency needs, resources,
among others,” said Cadre Candido.
She
also emphasized that an Incident Action Plan (IAP) is necessary. “It is
important that the incident is understood and assessed, the incident objectives
and strategies are established; and tactical direction is determined. Planning
for an incident can be oral or written depending on the size and complexity of
the situation,” she further elaborated.
Transfer
of Command were also discussed and how to demobilize an incident.
As
an assessment of the participant’s learning, a 29-item exam was undertaken
followed by a simple ceremony called “graduation” to culminate the 3-day basic
training course.
“The
44 graduates will now compose the IMT of Sorsogon province and Sorsogon City
and are qualified for the next level of ICS,” said Engr. Raden Dimaano,
Sorsogon PDRRMO chief.
Meanwhile,
Sorsogon City Mayor Sally A. Lee, in her message gave emphasis on the relevance
of time element in DRRM. She said she wanted to accomplish DRRM Response
projects which can be replicated by the province and by other municipalities in
and outside Sorsogon. The Chief Executive likewise encouraged the “graduates”
to support her administration in implementing the DRRM programs especially that
Sorsogon is exposed to various types of disasters. (BARecebido, PIA-5/Sorsogon)
Monday, October 21, 2013
“Lakbay Buhay Kalusugan” Caravan darating sa Sorsogon
![]() | |
Lakbay Buhay Kalusugan Bus (Photo:Negros Occidental PID) |
LUNGSOD NG SORSOGON, Oktubre 21 (PIA) –
Bilang bahagi ng pagpapatupad ng administrasyon ng Pangulong Benigno Aquino III
ng Kalusugang Pangkalahatan, nakatakdang dumating bukas dito sa Sorsogon ang
“Lakbay Buhay Kalusugan” Mobile Caravan kasama ang ilang mga personahe upang
magbigay ng serbisyong medikal sa mga mahihirap na Sorsoganon.
Sa koordinasyong ginawa ni Health Education
Promotion Officer Vivian Paguio ng Provincial Health Office sa PIA, sinabi
nitong gaganapin ang “Lakbay Buhay sa Kalusugan” mobile caravan sa Gymnasium ng
bayan ng Casiguran, Sorsogon. Matapos ito ay isang Fiesta Caravan din ang
gagawin sa Matnog, Sorsogon.
Bago ang pormal na pagbubukas ng mobile
clinic, health exhibit at iba pang mga nakahandang aktibidad, isang press
conference ang isasagawa na lalahukan ng mga kasapi ng lokal na tri-media.
Ang Lakbay Buhay Kalusugan (LBK) ay umiikot
sa mga lugar sa bansa sa pamamagitan ng isang bus upang magbigay ng
mahahalagang mga impormasyong pangkalusugan at pangunahing serbisyong medikal
sa mga mahihirap na pamilya.
Kasama sa mga serbisyo nito ay ang mobile
consultation at examination clinic, interactive health promotion exhibit at
health classes para sa mga buntis at kakapanganak pa lamang, mga magulang at
taga-pag-alaga ng mga sanggol at batang hanggang 14 na taong gulang at mga
batang mag-asawang wala pang anak.
Nabuo ang LBK sa pamamagitan ng public
private partnership sa inisyatiba ng Department of Health National Center for
Health-Center for Health Development DOH NCH-CHD) upang mapalaganap ang mga
kaalaman at serbisyong pangkalusugan. Layunin din nitong mapataas ang kaalaman
ng publiko ukol sa aktibidad pangkalusugan at nutrisyon ng mga buntis at
magiging anak nito, kaalaman sa sakit na tuberculosis, at family planning.
Sa rehiyon ng Bikol, napili ang mga lugar
ng Libon sa Albay, Naga sa Camarines Sur, Casiguran sa Sorsogon at ang
lalawigan ng Masbate sa mga pupuntahan ng “Lakbay Buhay Kalusugan” caravan.
(BARecebido, PIA-5/Sorsogon)
Subscribe to:
Posts (Atom)