Mga nagpasusong ina na nakilahok sa aktibidad. |
Ni: Bennie A.
Recebido
LUNGSOD NG
SORSOGON, Oktubre 25 (PIA) – Target na malampasan ng mga tagapanguna ng
isinagawang “Simultaneous Breastfeeding in Multiple Sites” kahapon, Oktubre 24,
ang kasalukuyang 15,128 na rekord ng sabay-sabay na mga nagpasusong ina sa 295
na mga lugar na nakatala sa Guinness Book of World Records.
Ayon kay Elmer Luis
Bonos, site organizer ng aktibidad sa Sorsogon City, 1,000 breastfeeding
centers ang itinalaga sa buong Pilipinas at mga kalapit na bansa nito sa Asya
upang makuha ang 30,000 na bilang ng pares ng inang magpapasuso at anak na papasusuhin.
Aniya, sa anim na
aydentipikadong breastfeeding center sa Sorsogon, target lamang nila ang 180
mother and child pairs, subalit umabot ito sa bilang na 337 kung kaya’t malakas
umano ang kanyang paniniwala na malalampasan nila ang kasalukuyang tala ng
Guinness World Record.
Sa bayan ng Irosin
ay umabot sa 76 na mother-child pair ang
nagrehistro at nagpasusuo ng kanilang mga anak; sa bayan ng Casiguran ay 57; 32
sa Magallanes; 64 sa Gubat; 43 sa Bulan; at 105 sa Sorsogon City.
Tinaguriang
“Sabay-sabay Sumuso sa Ina”, sabay-sabay na ginawa ang pagpasuso ang mga ina
alas-dyes ng umaga kahapon na tumagal ng isang minuto.
Ang “Simultaneous
Breastfeeding in Multiple Sites” ay inorganisa ng Nurturers of the Earth,
Members Church of God International at ng UNTV.
Ayon sa mga
organizers, matapos nilang maisumite sa kinauukulan ang mga kailangang
dokumento ay hihintayin na lamang nila ang resulta kung nakuha nila ang
kanilang target na mapalampasan ang kasalukuyang record ng Guinness World.
Ang PIA Sorsogon
ang isa sa mga napiling maging witness sa nasabing aktibidad.
Matatandaang ang
pagpapasuso ng mga ina ng kanilang sanggol/anak ay isa sa mga mahahalagang
programa din ng pamahalaan na mahigpit na ipinatutupad mula ipanganak ang bata
hanggang sa ikalawang taon nito o hanggat gusto ng batang sumuso sa ina.
Pinakamalusog sa lahat ng uri ng mga gatas
para sa sanggol ay ang gatas ng ina. Nakapagtataguyod ng kalusugan ang
pagpapasuso, nakatutulong sa pag-iwas sa karamdaman, at nakababawas ng mga
halagang pangpagpapakain at pangangalagang pangkalusugan. (BARecebido, PIA-5/Sorsogon)
No comments:
Post a Comment