Wednesday, November 10, 2010

ON RED TIDE UPDATES

Tagalog News

SORSOGON PROVINCE (Nov. 10) – Nananatiling positibo pa rin sa paralytic shellfish poisoning ang Sorsogon Bay dahilan sa red tide alinsunod na rin sa Shellfish Bulletin No. 26 na may petsang Nov. 3, 2010 ipinalabas ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Kung kaya't ipinatutupad pa rin ang shellfish ban sa buong lalawigan ng Sorsogon.

Sa panayam kay Fisheries Divison Chief Serafin Lacdang ng Provincial Agriculture Office, ni-lift na ang ban sa 'badoy" (clam), subalit kailangan pa rin ang clearing sa tanggapan ng BFAR bago ibenta o kainin ang mga ito.

Sa monitoring naman natin sa 'baloko' (pen shell), ipinakikiusap ng ilang mga vendors sa BFAR na kung maaari ay isailalim din ito sa test samples upang mapatunayang ligtas ito sa lason ng red tide.

Matatandaang ilang mga shellfish vendors ang hanggang sa ngayon ay hindi pa rin tumitigil sa pagtitinda nito sapagkat anila’y wala namang nabibiktima ng PSP galling sa baloko.

Subalit naninindigan pa rin ang mga kinauukulan dito na itigil pa rin ng mga vendors ang pagtitinda nito bilang pagsunod na rin sa shellfish ban na ipinatutupad ng local na pamahalaan para sa kapakanan na rin ng publiko. (Bennie A. Recebido, PIA Sorsogon)

No comments: