SORSOGON PROVINCE – Binigyang-diin ni Florencia Cassanova-Dorotan, isang women leader advocate, na mas malinaw at realistiko ngayon ang National Advisory on Poverty Council (NAPC) sa pagbuo ng mga simpleng plano upang mabigyang solusyon ang kahirapan sa bansa.
Ayon kay Dorotan, ang mga bagong inisyatiba sa pamamagitan ng 4Ps program sa ilalim ngayon ng administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III ay mas makapagpapalakas pa ng kapangyarihan ng mga kababaihan sa Sorsogon at makapagbibigay ng pagkakataong higit na makilala ang mga programa ng pamahalaan.
Ito ang inihayag ni Dorotan sa ginawang pagpupulong kamakailan ng Gender Advocacy and Development dito sa lungsod.
Sa ngayon, ang mga bayan ng Pilar,Magallanes, Donsol at Castilla pa lamang ang nanginginabang sa 4Ps habang hinihintay pa nila ang ulat ng Department of Social Welfare and Development para sa listahan pa ng mga mapapasama sa 4Ps mula sa natitira pang sampung mga bayan sa lalawigan.
Ang 4Ps o ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program ay isang istratehiya ng pamahalaang nasyunal upang mapababa ang insidente ng kahirapan sa bansa at nagbibigay ng conditional cash grant sa mga tunay na mahihirap na pamilya upang maranasan nito ang ordinaryong pamilya.
Napag-usapan din sa pulong ang pagsasagawa ng orientation sa mga nahalal na opisyal ng lalawigan ukol sa pagpapatupad ng Magna Carta for Women kasama na rin ang pagsasailalim ng mga manggagawa sa Gender Sensitivity Training ngayong taon.
Binigyang-diin din ang tamang paggamit ng ten percent GAD budget lalo na ang pagtugon sa mga isyung may kaugnayan sa pang-aabuso sa mga kababaihan.
Sinabi naman ni GAD chairperson at board member Rebecca Aquino na isinama na rin nila sa 2011 GAD plan programs upang mapababa ang infant mortality rate at maisakatuparan ang climate change mitigation and adaptation, plalawigan. (Bennie A. Recebido, PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment