Sorsogon City, (PIA) – Nasa lalawigan ngayon ang mga kinatawan ng Save the Children Foundation, isang international non-government organization (NGO), kung saan napag-alamang mayroon itong dalang magagandang project design para sa mga coastal barangays at mga kabataan sa ilalim ng DRRM (Disaster Risk Reduction Management) program nito.
Ayon kay OIC Head ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (SPDRMO) Jose Lopez, nakatakdang bisitahin ng nabanggit na organisisyon ang mga bayan ng Magallanes, Bulusan, Barcelona, Prieto Diaz at ang lungsod ng Sorsogon para sa pagkalap ng mga kaukulang datos upang beripikahin at ipadala sa USAID, ang katuwang na ahensya nito.
Ang Save the Children Foundation ay inaasahang makikipagkita sa tanggapan ng mga lokal na pamahalaan, Municipal at City Disaster Risk Management Officers, gayundin sa mga opisyal ng mga barangay na sakop ng apat na mga bayan at ng lungsod ng Sorsogon.
Ayon pa kay Lopez, inaasahang titingnan sa mga bibisitahing lugar ang kanilang level of risk at seguridad laban sa mga kalamidad. (Von Labalan-PIO/BAR)
No comments:
Post a Comment