Friday, July 8, 2011

PO1 Regular Recruitment program ng PNP simula na


Ni: Bennie A. Recebido

Sorsogon City, July 7 (PIA) – Muling binuksan ng Philippine National Police (PNP) Sorsogon ang kanilang recruitment program para sa mga nagnanais at kwalipikadong maging Police Officer o PO1.

Ayon kay PNP Sorsogon Public Information Officer Honesto Garon, maaari ng magsumite ng mga kaukulang dokumento sa Sorsogon Police Provincial Office ang sinumang interesadong kwalipikado.

Dapat umanong nakalagay ang mga sumusunod na dokumento sa isang puting application folder:

·         PDS (CSC Form 212 Revised 2005)
·         NSO Authenticated Birth Certificate
·         Authenticated Eligibility ng Napolcom, PRC o CSC)
·         Dalawang kopya ng 2x2 Black and White picture kung saan nakalagay dito ang pangalan ng aplikante (isang kopya ng Bust Pictrure at isang kopya rin ng Whole Body Picture)
·         Transcript of records at Diploma na authenticated ng School Registrar
·         Clearance mula sa Barangay, Local Police Station, RTC/MTC/NBI
·         Medical certificate mula sa Local Health Office; at
·         Finger Prints at Handwriting spicemen mula sa Napolcom

Ayon pa kay Garon, hanggang July 29, 2011 na lamang ang huling araw ng pagtanggap ng nasabing mga aplikasyon para sa kaukulang pagpoporoseso nito.

Dalawangdaan at labing-dalawang (212) mga bagong pulis ang tatanggapin ng PNP Region 5 sa darating na Second Semester Recruitment Program ng PNP ngayong taon.

Ang mga interesadong maging pulis ay maaring bumisita sa pinakamalapit na istasyon ng pulis sa kanilang lugar. (PIA Sorsogon)



No comments: