Thursday, June 7, 2012

Military Diocese naghahanap ng nais maging Chaplain ng Uniform Services


Ni: Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, June 7 (PIA) – Maliban sa iba pang kasanayan o skills, naghahanap din ngayon ang military diocese ng mga nais maging chaplain o pari ng uniform services.

Ayon kay Reverend Father/Captain Paul Reyel De Guzman, Jr., vocation director ng Military Diocese, nangangailangan sila ng apatnapung Catholic Priest upang maging chaplain sa iba’t-ibang mga Uniform o Armed Services sa Pilipinas kung saan dalawampu ang kailangan para sa Philippine National Police (PNP) at dalawampu din sa Armed Forces of the Philippines (AFP)

Ang Formation House ng mga seminarista ay matatagpuan sa Domo Decepe Formation House sa Villamor Airbase sa Pasay.

Ayon pa kay Rev. Fr. Guzman, dapat na nagtapos ng Philosophy ang kwalipikadong aplikante upang maging chaplain.

Ang chaplain ang siyang magsisisilbing gabay sa ispiritwal na pangangailangan ng mga kasundaluhan at kapulisan.

Para sa mga interesado, makipag-ugnayan lamang kay Rev. Fr./Capt. Paul De Guzman sa numerong 09178251974 o magsadya sa Saint Martin of Tours Parish sa Camp Elias Angeles sa Brgy. San Jose, Pili, Camarines Sur. (Phil. Army/BARecebido, PIA Sorsogon)

No comments: