Ni: Bennie A. Recebido
LUNGSOD NG SORSOGON, June 4 (PIA) – Maayos
ang naging pagbubukas ng klase kaninang umaga sa kabila ng libo-libong mga
mag-aaral na dumagsa lalo na sa mga malalaking pampubliko at pampribadong paaralan
mula elementarya, sekundarya at kolehiyo dito sa lungsod ng Sorsogon.
Hanggang sa kasalukuyan ay wala ding
naitalang mga negatibong insidente sa kalsada lalo na’t aktibo ang mga traffic enforcers sa pagmantini ng galaw ng trapiko.
Kapansin-pansin din ang aktibong partisipasyon
ng mga barangay lalo na ng Barangay Talisay, Burabod, Balogo at Bibincahan kung
saan naroroon ang mga malalaking pampubliko at pampribadong paaralan sa
lungsod.
Samantala, ayon naman kay Sorsogon National
High School Principal Blanca Rempillo, pinagsisikapan nilang maging maayos ang
unang araw ng pasukan ngayon sa kanilang paaralan sa kabila ng malaking bilang
ng mga mag-aaral na naka-enrol sa bawat seksyon kung saan umaabot umano sa 65
na mga mag-aaral ang pinakamalaking populasyon nila sa isang seksyon.
Ipinaliwanag din niya na wala nang
tatawaging first year high school ngayon kundi tatawagin na itong grade seven,
habang nananatili pa rin ang katawagang second year, third year at fourth year
high school. Sa mga susunod na taon ay magiging grade eight hanggang ten na ito
habang tuluyan na ring mawawala ang dating tawag na second year hanggang fourth
year.
Ang grade seven ngayong taon ay isasailalim
na rin sa junior at senior high school matapos ang kanilang grade ten.
Mahigit anim na libo ang regular students at
mahigit dalawang daan naman sa evening class ang kabuuang populasyon ngayon ng Sorsogon
National High School, ang pinakamalaking paaralan sa sekundarya sa lalawigan ng
Sorsogon.
Tinyak din ni Rempillo na patuloy pa rin ang
pagtanggap nila ng mga late enrollees subalit dapat na dumaan ito sa City
Schools Division para sa approval ng kanilang enrolment. (FBTumalad,
Jr./BARecebido, PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment