SORSOGON CITY, Oktubre 29 (PIA) – Ipagdiriwang sa
darating na Nobyembre 19-25, 2012 ang Climate Change Consciousness Week alinsunod sa Memorandum ng Pangulo No. 35 ngayong taon.
Kaugnay nito, puspusang pinatutulong ng Pangulong Benigno S. Aquino
III ang lahat ng pinuno at mga kawani ng pamahalaan, kasama ang mga Korporasyong
Pagmamay-ari at Kontrolado ng Pamahalaan (GOCCs) at mga lokal na pamahalaan
(LGUs) dahilan sa gagawing isang linggong pagdiriwang.
Nakapaloob sa Memorandum Circular No. 35 (series 2012)
na nilagdaan ni Kalihim Tagapagpaganap Paquito N. Ochoa, Jr. noong Agosto 14 ang mga tagubilin ng Pangulo.
Sa
Proklamasyon Blg. 1667 (s. 2008) ay idineklara ang Nobyembre 19-25, 2008 at
taun-taon pagkatapos bilang Global Warming and Climate Change Consciousness Week.
Hangarin
ng Proklamasyon na maging masigasig ang lahat tungkol sa global warming at
pagbabago ng klima sa tulong ng malawakan at puspusang pagkilos para mabatid ng
madla ang malaking suliraning naturan.
Nais
ng nabanggit na proklamasyon na “magtulung-tulong ang sambayanan, gayundin ang
mga sektor na publiko at pribado sa paghanap ng lunas sa mga panganib na bunga
ng pagbabago ng klima.”
Inatasan
ng Pangulo ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) at ang
Public Information Agency (PIA) na tulungan ang media sa bagay na ito. (PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment