Ni: Bennie A. Recebido
LUNGSOD NG SORSOGON, Nobyembre 29 (PIA) –
Sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga libreng serbisyo, nakikiisa ang City
Veterinary Office (CVO) sa gagawing pagdiriwang ng Sosogon Festival ng Sorsogon
City ngayong taon.
Ayon kay City Veteterinary Technician
Arwill Liwanag, sinadya nilang isabay ang aktibidad sa Sosogon Festival nang sa
gayon ay mas marami ang makakapansin at mas mapapalawak nila ang pagpapabot ng
kaalaman sa publiko ukol sa tamang pangangalaga sa mga alagang hayop.
Tampok sa kanilang aktibidad ang
pagsasagawa ng “Love Dog Services” o libreng serbisyo para sa mga alagang aso
sa darating na ika-14 ng Disyembre, 2012 simula alas otso ng umaga hanggang
alas singko ng hapon.
Ayon kay Liwanang, babakunahan nila ng
kontra rabis ang mga aso at magsasagawa din sila ng neutering o pagkakapon ng
mga lalaking aso at spaying o pagtanggal ng matris ng mga babaing aso.
Aniya, maliban sa nasabing mga serbisyo ay
magsasagawa din sila ng hair trimming, nail clipping, ear cleaning at paggamot
sa kuto o garapata ng mga alagang aso.
Kaugnay ng mga aktibidad na ito, nanawagan
ang pamunuan ng City Veterinary Office sa pamumuno ni City Veterinarian Dr.
Alex Destura sa mga residente ng lungsod ng Sorsogon na samantalahin ang
libreng serbisyong ito para na rin
masuri ang kalagayan ng mga alagang aso at maiwasang mahawaan ng sakit ng aso
ang mga nakatira sa loob ng tahanan.
Ayon pa kay Liwanang, sinisikap ng CVO na
mapangalagaan ang kalusugan ng publiko sa pamamagitan ng pagmamantini din ng
kalinisan ng kanilang mga alagang hayop lalo na kung nakatira sila sa iisang
bahay.
Samantala, ang Sosogon Festival ay
ipinagdiriwang sa buwan ng Disyembre bilang pasasalamat ng lungsod sa mga
biyayang natanggap sa buong taon at bilang paggunita na rin sa pagkakatatag ng
Sorsogon City noong ika-16 ng Disyembre 2000.
Sisimulan ang pagdiriwang ng Sosogon Festival
mula ika-walo hanggang ika-16 ng Disyembre 2012 kung saan aabangan ng mga
taga-lungsod at ng mga bibisita dito ang makukulay na aktibidad lalo pa’t
natataon ito sa kapanahunan ng pasko.(BARecebido, PIA Sorsogon)
1 comment:
Veterinary technicians assist veterinarians in their day-to-day tasks.Veterinary Technician Trainings in AZ
Post a Comment