Ni: Bennie A. Recebido
LUNGSOD NG SORSOGON, Nobyembre 28 (PIA) – Matapos
na matanggap ng Philippine Information Agency (PIA) Sorsogon ang advisory na ipinadala
ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) sa pamamagitan ng
PIA regional office, agad na ipinakalat ang impormasyon sa mga broadcast media upang
maipaabot sa publiko ang “no sailing at no fishing advisory” sa ilang mga lugar
dito kaugnay ng gagawing Sokor Sattelite Launching bukas.
Ayon sa Coast Guard Sorsogon District,
inactivate nila ngayon ang dating advisory nila noong Oktubre kung kaya’t
naka-standby sa kasalukuyan ang kanilang mga detachment sa tatlong lugar sa
Sorsogon.
Ayon kay Seaman Verces, sa mga remote area
na hindi na maaabot ng kanilang pagsubaybay ay inabisuhan na rin nila ang mga in-charge
ng local DRRMC upang mabigyang babala ang mga mangingisda at yaong pumapalaot
sa kanilang lugar bago pa man ang itinakdang oras.
Hanggang sa isinusulat ang balitang ito ay
hinihintay pa nila ang advisory mula sa kanilang higher command.
Tulad ng Coast Guard Sorsogon, hinihintay
din ng Sorsogon Provincial Disaster Risk Management Office (SPDRMO) ang
advisory mula sa kanilang higher counterpart. Subalit nilinaw naman ni SPDRMO
Chief Raden Dimaano na nakaantabay na sila at magsasagawa ng mahigpit na
pagsubaybay sa mga magiging kaganapan at inalerto na rin nila ang mga Municipal
DRRMC na maaaring maapektuhan ng falling debris sakaling maganap na bukas ang
nasabing launching. (BARecebido, PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment