Thursday, November 15, 2012

Ilang lupain sa Sorsogon maaaring mawala na sa CARPER LAD Balance ng DAR


Ni: Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, November 15 (PIA) – Isangdaan dalawampu’t-apat na landholdings o lupaing pagmamay-ari ng bayan ng Bulan at Pilar sa Sorsogon na may kabuuang sukat na 993 ektarya ang maaaring mawala na sa Land Acquisition and Distribution (LAD) Balance sa ilalim ng programang Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reform (CARPER) ng Department of Agrarian Reform (DAR) dito sa Sorsogon.

Ayon sa Provincial Task Force on Problematic Landholdings, ang nasabing mga lupain ay hindi na dapat pang makasama sa LAD Scope o mga lupaing sakop ng Land Acquisition and Distribution ng lalawigan ng Sorsogon sapagkat kung hindi naman ito nararapat na pagtaniman, ibibilang ito sa mga retention area o tirang lupain para sa mga anak ng may-ari ng lupa.

Ayon pa sa naturang Task Force, mayroon pang 121 na lupaing pag-aari ng lalawigan na may kabuuang sukat na 863 ektarya ang inirekomenda na ng mga Municipal Agrarian Reform Officers (MAROs) ng bayan ng Castilla, Magallanes at Gubat Cluster sa Provincial Agrarian Reform Coordinating Committee (PARCCOM) na alisin na rin sa LAD CARPER Balance.

Sakali umanong may tenant ang nasabing mga lupain, ipapasok sila sa Leasehold Contract o Kontrata sa Pag-arkila upang mapanatili ang kanilang karapatan na sakahin ang nasabing mga lupain. (BARecebido, PIA Sorsogon/AJA, DAR)




No comments: