Monday, June 17, 2013

Probinsya ng Sorsogon walang kuryente sa Hunyo 18

Ni: Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Hunyo 17 (PIA) – Nakararanas ng brown-out ang buong lalawigan ng Sorsogon, Hunyo 18, 2013, kaugnay ng naka-iskedyul na pagpatay ng kuryente ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Sa ipinadalang abiso ng NGCP sa pamamagitan ni Regional Corpcomm and Public Affairs Officer for South Luzon ng NGCP Ginoong Nelson Bautista, na nag-iskedyul umano sila ng pagpatay ng ilan sa kanilang mga transmission facility sa Sorsogon, ika-18 ng Hunyo, upang magsagawa ng Annual Preventive Maintenance ng transformer no. 1 ng kanilang Daraga Sub-station at pagpapalit ng mga luma at sira o bulok nang poste, cross-arms at iba pang line hardware na maaaring makaapekto sa operasyon ng Soreco I at Soreco !!.

Kaugnay nito, kapwa umano makararanas ng mahabang brown-out ang franchise area ng Soreco I at Soreco II o ang buong lalawigan ng Sorsogon sa araw na itinakda.

Ang brown-out ay nagsimula alas-syete kaninang umaga at magtatagal hanggang mamayang alas-singko.


Abiso din ng NGCP sa puliko na mag-ingat lalo na kapag natapos na ang trabaho at naibalik na ang suplay ng kuryente. (BARecebido, PIA Sorsogon)

No comments: