Ni: Bennie A. Recebido
Lungsod ng Sorsogon, September 28 (PIA) – Sinabi ni Sorsogon Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC) Action Officer Manro Jayco na laging handa ang kanilang tanggapan may bagyo man o wala.
Sa pagdaan ng bagyong Pedring, naging maayos ang naging paghahanda at pagsubaybay ng mga kinauukulan sa kani-kanilang nasasakupan lalo pa’t aktibo na rin ang mga organisadong sangay ng Barangay Disaster Coordinating Council sa halos 540 mga barangay sa ilang mga munisipyo na sakop ng lalawigan ng Sorsogon.
Natiyak din ang kahandaan nito sa pagdaan ng bagyong Pedring nitong Lunes dito sa Sorsogon sa pamamagitan ng pagsasa-aksyon at pagpapatupad ng mga kasanayan at kahandaang natutunan ng mga ito matapos silang isailalim sa mga serye ng seminar at skills training sa panahong may mga kalamidad.
Dagdag pa niya na meron din silang protocol na sinusunod at sa bisa ng Republic Act 1012, maaari diumano silang kasuhan kung hindi sila gagawa ng anumang kaukulang hakbang sa panahon na mayroong kalamidad, tulad ng bagyo, mga pag-baha, at iba pa lalo pa’t madalas daanan ang lalawigan ng Sorsogon ng mga bagyo, partikular sa mga buwan sa huling kwarter ng taon. (PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment