LUNGSOD
NG SORSOGON, September 7 (PIA) – Nagpapatuloy ang operasyon ng mga miltar dito
sanhi ng naganap na pagpapalitan ng putok kahapon, alas diyes ng umaga sa Brgy.
San Isidro, Sitio Kapirikuhan, Bulusan Sorsogon matapos na makubkob ng mga
pwersa ng pamahalaan ang isang kampo ng mga rebelde dito.
Ayon
kay Col. Teody Toribio, Battalion Commander ng 31st Infantry
Battalion, ang nasabing kampo ay matagal na nilang sinusubaybayan at kahapon
nga ay isinagawa nila ang operasyon na naging sanhi upang magkaroon ng
20-minutong pagpapalitan ng putok sa pagitan ng dalawang panig.
Nasa
45 mga rebeldeng armado ng de-kalibreng armas na kinabibilangan ng dalawang M60
machine gun at dalawang 2-mini automatic squad ang nakaengkwentro ng mga militar.
Matapos
ang palitan ng putok ay mabilis na tumakas ang mga rebelde dala ang limang
patay at ilang mga sugatang kasamahan.
Naiwan
sa lugar ang dalawang patay sa panig ng mga militar na kinilalang si PFC Romy
D. Dacuro na residente ng Sea Breeze Homes Cabid-an, Sorsogon City at PFC
Michael E. Bigay na residente naman ng Brgy. Caroyroyan, Pili, Camarines Sur.
Habang
ang mga sugatan sa panig ng pamahalaan ay agad namang dinala sa V. Luna
Hospital sa Quezon City at kinilalang si PFC Jaypee A. Retardo na malubha ang
tama habang dinala naman sa isang ospital sa Sorsogon sina Cpl Rolando Cruzado at
Cpl Rodel Llandelar na hindi naman gaanong malubha ang tama at deklaradong
ligtas na.
Narekober
sa kampo ang mga pampasabog at iba pang mga kagamitan ng mga rebelde.
Agad
ding nagpadala ng karagdagang pwersa si 903rd Infantry Brigade
Commander Col. Felix J. Castro, Jr. upang tugisin ang mga nakatakas na rebelde.
Samantala,
noong Setyembre 4, 2012, isang abandonadong kampo ng mga rebelde ang nadiskubre
naman ng mga militar sa Brgy. San Ramon, Barcelona, Sorsogon. Ang kampong ito
ay matagal na ring sinusubaybayan ng mga militar. (BARecebido, PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment