Ni: Bennie A. Recebido
Sorsogon City, June 9 (PIA) – Kinumpirma ni Philippine Coconut Authority (PCA) Region V Acting Project Development Officer Emily Lopoz na regular na ipinatutupad ang PCA Calamity Assistance for Rehabilitation Program partikular sa mga lugar na naaapektuhan sa tuwing nagkakaroon ng kalamidad kung saan pinakahuli dito ang nagdaang bagyong Chedeng.
Ayon kay Lopoz, sa lalawigan ng Sorsogon, regular din aniya ang implementasyon ng mga CARE Funded Project sa mga bayan ng Matnog, Pilar, Irosin, Magallanes, Castilla, Casiguran at sa lungsod ng Sorsogon.
Laman ng nasabing programa ang Participatory Coconut Planting kung saan target nilang itanim ang 130,530 na puno ng niyog.
Sa pinakahuling tala ng PCA Bicol, 100,555 na coconut seedlings na ang naitanim sa 870 ektaryang lupain sa unang bahagi ng proyekt
Nagsimula na ring tumubo ang 44,119 na puno ng niyog na naitanim sa ikalawang bahagi ng programa, hindi maglalaon ay ipatutupad na rin nila diumano ang ikatlong bahagi ng programa.
Sa ilalim naman Salt Fertilization Technology, natapos na rin nila diumano ang 6.25 ektarya sa Sorsogon mula sa target na 6.87 ektarya. Habang masaya namang ibinalita ni Lopoz na napunuan na rin nila ang 42.5 ektarya sa ilalim ng intercropping project.
Samantala, makabalik na rin diumano ang magandang produksyon ng kopra matapos na maapektuhan ito ng nagdaang tagtuyot.
Ayon kay Lopoz, umaabot na sa P49 hangang P50 ang halaga ng kopra ngayon sa mga pamilihan.
Umaasa si Lopoz na magpapatuloy ang pagsigla ng industryiya ng niyog hindi lamang sa Sorsogon kundi maging sa buong rehiyon ng Bicol. (HBinaya/PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment