Wednesday, June 8, 2011

Kakulangan ng guro sa secondary schools problema ng Sorsogon City Dep.Ed


Ni: Irma A. Guhit

Sorsogon City, June 7 (PIA) – Sinabi ni Sorsogon City Schools Division Superintendent Dr. Virgilio Real na wala silang gaanong problema sa ratio ng school buildings vis-à-vis pupil enrollment dahil sapat naman ang mga classrooms sa syudad ng Sorsogon para sa mga mag-aaral ngayong taon.

Ang problema ay ang kulang na mga guro sa pampublikong paaralan sa secondary schools.

Sinabi rin ni Dr. Real na  natutuwa siya na dahil sa pagbubukas ng integrated schools dito sa syudad nakita ang increase in secondary enrolment at nabigyang pansin ang makatapos ng secondary education ang ilang mga gustong makapag-aral at makapagpatuloy ng vocational courses, ngunit naging dahilan din ito ng kakulangan ng mga mga guro.

Sa ngayon ay nagkakaroon sya ng konsultasyon kay 1st district representative Salvador Escudero sa naging magandang implementasyon ng Integrated School Curriculum (ISC)at ang kakulangan ng mga guro ay maari ding matugunan sa pamamagitan ng local hiring sa barangay na nagpapatupad ng ISC  tulad ng barangay Buhatan, Sto Nino, Bonga at ngayong taon ang pagbubukas ng integratred school sa barangay Pamurayan.

Samantalang sa elementarya, sa teacher-pupil ratio sila ay nasa “code green “na ibig sabihin sapat ang bilang ng guro sa mga mag-aaral.

Ang nagiging problema lamang ay ang” imbalance   ng enrolment”. May ibang paaralan dito na tumatangap ng mga mag-aaral sa ibang lugar  at nakakabawas sa enrolment nang ibang paaralan kung kaya bagamat tama lang ang bilang ng guro sa overall division population ng pupil-teacher ratio; sa ibang paaralan marami ang enrolment at kulang ang guro, sa ibang paaraln, kaunti ang enrolment at marami ang guro.

Ang Sorsogon  City Schools  Division sa teacher pupil ratio sa elementary ay nasa 1:45, ang ibig sabihin isang guro sa 45 na mag-aaral na sa Dep- Ed implementing policy ay nasa tamang bilang ng teacher –pupil ratio.

“Ipinaalam ko na sa mga district supervisors at principals na ipatupad ang localization of enrolment upang maiwasan ang tinatawag na enrolment imbalance”, sabi ni Dr. Real.

Sa ngayon, isa pa ring dapat tutukan ng aming departamento ay ang pagbabago  sa school curriculum ngayong 2012 na kung saan magkakaroon ng dagdag sa number of school year at sa  pag implement ng K12 mas maraming guro ang kakailanganin. (PIA- Sorsogon)

No comments: