Wednesday, June 8, 2011

Disiplina: Mahigpit na ipapatupad ng Sorsogon Natn’l High School

Ni: Irma A. Guhit

Sorsogon City,June 6 (PIA) – Sa isang panayam na ipinabatid ng principal ng Sorsogon National High School (SNHS),Dr. Blanca Rempillo,  mahigpit na disiplina ang ipinapatupad ng kanilang paaralan lalong-lalo na ngayong unang araw ng klase ito ay sa tamang oras ng pagpasok ng mga mag-aaral.

Sinabi ni Dr. Rempillo na pagsapit ng alas syete ng umaga ay isasara na ang dalawang gates ng paaralan upang maiwasan ang pagpasok ng mga taong hindi naman maaaring mag-aral at maaring gumawa ng mga hindi kanais nais na sitwasyon.

Sa orientation na isinagawa noong matapos magkaroon ng enrollment at  bago pa man sumapit ang unang araw ng pasukan ngayon, ipinaalam na ng mga guro sa mga enrollees na kinakailangang nasa wastong oras ang pagpasok nila at isasara ang gates ng paaralan upang makaiwas sa mga pangyayaring hindi kanais-nais na maaring isagawa ng mga fraternities.

Isa sa pinakamalaking paaralan dito sa probinsya ang SNHS at ito rin ang isa sa mga paaralang sekondarya dito sa probinsya na binibigyan ng asistensya sa buhos ng trapiko lalong-lalo na ito ay katabi ng Sorsogon State College na isa ring paaralang may pinakamalaking enrollment taon-taon.

Masasabi ding maganda rin ang isinagawang tulong ng Philippine National Police dito sa pagbibigay ng security assistance measures sa mga mag-aaral. (PIA-Sorsogon)


No comments: