Wednesday, June 8, 2011

Paglobo ng enrolment at kakulangan ng classrooms problema sa Sor.Nat’l High School


Ni: Irma A. Guhit

Sorsogon City, June 7 (PIA)-Ipinaalam ni Dr. Blanca Rempillo, principal ng Sorsogon .National High School na napakalaki ng enrolment ngayon ng kanilang paaralan na sa tala ay mahigit na anim na libo.

Dumagsa kahapon ang mga late enrollees at nagsagawa kami ngayon ng emergency plan sa fourth year,” pahayag ni Rempillo.
                                                                                                                                                             
Kulang na kulang sa ngayon ang aming classrooms kung kaya kinakailangan   naming magsagawa ng alternative plan  at magsagawa ng kunsultasyon sa mga mag-aaral at mga magulang  para malaman nila ang dahilan kung bakit may adjustments sa schedule ng kanilang pag pasok.

May mga mag-aaral na sa ngayon ay magsisimula ng alas sais hanggang alas onse ng umaga at maghihintay ang ibang mag-aaral sa susunod na set.

“Tatlong set ng schedules ng fourth year ang isinasagawa namin dahil sila ay maari ng makapag- adjust at hindi puedeng gawin sa first year at second year dahil marami pa dito ang  hindi pa masyadong  nakaka pag adjustment” ,  ito pa rin ang mariing sinabi ni Rempillo.

“Maraming mga estudyante ang nagsabi na ang dahilan ng kanilang late enrolment ay kakulangan ng pera ngunit sinabi ko sa kanila na walang koleksyon na kinukuha ang paaralan kaya hindi ito dapat maging dahilan ng huling pag pa pa enroll pahayag pa ng principal.

Ang iba naman na 1st year nahuling magpatala  sa dahilan na hindi pa rin ibinibigay ang kanilang form 137 ng kanilang mga dating guro.

Sinabi rin nya na nagsagawa rin sila ng masusing orientation sa mga new enrollees upang malaman nila ang mga school policies.

Ipinagbigay alam na rin ni Rempillo sa Dep.Ed at sa local na pamahalaan  ng syudad ng Sorsogon na sana ay matulungan sila  na matugunan ang kakulangan sa classrooms. (PIA-Sorsogon)







No comments: