Wednesday, June 8, 2011

Dep- Ed Sorsogon” All systems’ go” sa unang araw ng pasukan


Ni: Irma A. Guhit

Sorsogon City, June 6 (PIA) Ipinaalam ng dalawang pinakamataas na opisyal ng Sorsogon, Department of   Education  Provincial and City Schools Superintendents Dr. Marilyn Dimaano at Dr. Virgilio Real na ngayong Lunes, June 6,  “All systems go” na ang lahat ng pampublikong mga paaralan dito para sa unang araw ng pasukan.

Inaasahan na libo-libong mag-aaral sa elementary at sekondarya pati na rin sa ibang kolehiyo dito ang ngayon ay balik paaralan na.

Tinatayang aabot ng 26,702 na mag-aaral sa elementarya  dito sa syudad ang  mga papasok ayon sa pahayag  ni Dr. Real  at 12, 810 naman sa hish school  and inaasahang mga mag-aaral na papasok.

Ito ay base sa 2% projection rate ngayong taon na itinalaga ng Dep-Ed base rin sa kanilang national projection rate of enrolment increase.

 Noong nakaraang taon umabot na 26,178 na eskwela and naitala sa elementary at 12,559 naman sa secondarya dito lamang yan sa syudad ng Sorsogon.

Kasalukuyang inaalam din ng PIA-Sorsogon kay Dr. Dimaano na kung ilan naman ang inaasahang mga mag-aaral ang papasok ngayong taon sa probinsya sa elementary at secondary na maaring ipalabas ngayong Biyernes ayon kay Dr. Dimaano.

Noong taon 2010 naitala , na ang pumasok na mag-aaral sa elementary sa buong probinsya ay 48,291  at sa secondarya naman ay 100,595 samantalang sa private school ay may kabuoang 4,000 plus ayon kay Dr. Dimaano kasama dito ang pre-school.

Bagama’t may mga pampribadong paaralan dito sa probinsya na sa susunod pa ng Lunes magsisimula, sinabi ng dalawang pinakmataass na opis yal ng Dep-Ed dito na ang lahat ng pampublikong paaralan ay tuloy-tuloy na ang pasok ang klase simula ngayon.

Ngayong umaga, ala sais pa lamang ay makikitang halos ang mga sasakyan, tricycles at kahit mga pampribadong sasakyan ay sakay ay halos mga mga mag-aaral.

Matapos ang isang linggong Brigada Eskuela na kung saan ang mga magulang ng mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan ay bulontaryong nagsasagawa ng paglilinis,pagpipintura at pagsasaayos ng mga silid aralan,inaasahang magiging maayos at masigla ang unang pasok ng klase dito sa Sorsogon, ayon sa dalawang opisyal.

Ipinaalam din ng dalawang opisyal ng Dep-Ed na mahigpit na ipinagbabawal ang pagkolekta ng anumang monetary fees.Magsisimula lamang ang voluntary payment of fees sa susunod na buwan simula grade IV at fouth year high school.(PIA-Sorsogon)




No comments: