Ni: Bennie A. Recebido
Sorsogon City, June 22 (PIA) – “Malapit nang matapos.”
Ito ang naging pagtitityak ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Sorsogon 2nd District Engineer Juanito R. Alamar sa ginagawang pagpapasemento ng Ariman Junction – Bulusan Lake Roadsa bayan ng Barcelona, Sorsogon.
Ayon kay Alamar, nahahati sa dalawang road sections ang kalsada na may kabuuang haba na 902.88 metro. Ang unang seksyon diumano ay nasa Brgy. Tagdon habang nasa Brgy. Macabari naman ang ikalawang seksyon.
Ang nasabing road sections ay bahagi ng 27.098 kilometrong Ariman junction – Bulusan Lake road, isang national secondary road na bumabaybay patutungong Bulusan Lake, ang isa isa sa mga lugar sa bayan bg Bulusan, Sorsogon na dinarayo ng mga turista at tinaguriang “Switzerland of the Orient” ng Department of Tourism (DOT).
Ang nasabing proyekto na pinondohan ng dalawampung milyong piso (P20-M) mula sa 2010 projects ay bahagi ng pagpapataas pa ng uri ng kalsada mula sa pagiging aspaltado tungo sa pagiging konkretong semento nito.
Sa kasalukuyan ay nasa walumpu’t-anim na porsyentong tapos na ang nasabing patrabaho ng DPWH 2nd District Engineering office. (HDeri/PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment