Friday, July 16, 2010

PAROLE AND PROBATION OFFICE NAGDIWANG NG KANILANG IKA-34TH ANNIVERSARY

Tagalog News Release

SORSOGON CITY – Samantala, naging mabunga naman ang ginawang pagdiriwang ng mga tauhan ng Parole and Probation Office dito kasama ng kanilang mga volunteers at mga parolado ag kanilang ika-34th anniversary ngayong taon.

Ang pagdiriwang ay tinampukan ng isang tree planting activity sa isang site ng Energy Development Corporation kung saan sa patnubay ng mga tauhan ng EDC, PPO at PNP ay nakapagtanim ang mga ito ng dalawang-daan at walumpong narra at mahogany seedlings na sa hinaharap ay magiging mabisang pananggalang tungo sa higit pang pag-init ng panahon at pagdating ng mga sakuna.

Ayon sa mga parolado, sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng oportunidad na muling mabuhay ng normal habang nakikisalamuha sa komunidad at makatulong sa pangangalaga ng kalikasan, higit nilang nabibigyang halaga at naitutuwid ang kanilang landas tungo sa pagiging makabuluhan at kapaki-pakinabang na mga mamamayan. (Bennie A. Recebido, PIA Sorsogon)

No comments: