Sunday, November 21, 2010

MT. BULUSAN MULING NAGBUGA NG ABO

Tagalog News

SORSOGON PROVINCE (Nov. 21) – Muli na namang nagbuga ng abo kaninang umaga ang Bulkang Bulusan.

Base sa impormasyon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, umabot ang ashfall sa barangay Dolos, Calpi, Roxas, Bical at San Francisco sa bayan ng Bulan, gayundin sa silangang kanlurang bahagi ng bayan ng Irosin.

Ayon naman kay Phivolcs resident volcanologist July Sabit, 7:30 ng umaga nagparamdam ang bulkan, kung saan umabot ng dalawang kilometro ang taas ng ash cloud.

“Mas mataas ng kaunti ang ash cloud ngayon kung ikukumpara sa nakalipas na pagbuga nito” ayon kay Sabit.

Sinabi pa ng opisyal na posibleng masundan pa ang naturang ash explosion dahil sa abnormal pa rin ang aktibidad ng bulkan.

Nilinaw naman ni Sabit na malayo pang mangyari ang isang major explosion ng Mt. Bulusan sa kabila ng mga naramdamang seismic activity.

Ito na anila ang pang-anim na pagbubuga ng abo ng Mt. Bulusan simula noong Nov. 6 taong kasalukuyan. Sa ngayon, nananatili pa rin sa alert level 1 ang naturang bulkan.  

Photo courtesy of JEnginco, 49th iB, PA
Sa ngayon ay nasa 753 evacuees na mula sa mga barangay ng Cogon at Bolos ang nailikas sa Gallanosa High School. (Von Labalan-PIO/PIASor)
Roads were covered with thick slippery ashes
.






No comments: