Wednesday, November 24, 2010

MT. BULUSAN UPDATES (Nov. 25, 2010)

Tagalog News

SORSOGON PROVINCE (Nov. 24) – Muli na namang nagbuga ng abo ang Mt. Bulusan kanina, bandang ala-una beinte kwatro ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, tinatayang nasa isang kilometro ang taas ng ibinugang abo mula sa bunganga ng bulkan patutungong timog silangang direksyon.

Kaugnay nito nananatili ang abiso ng Phivolcs sa publiko na iwasan ang pagpasok sa itinalagang 4-km permanent Danger Zone.

Sa ipinaabot namang mensahe ni Municipal Social Welfare and Development Officer Hilda Martinez, sinabi niyang sa kabila ng panibagong pagbuga ng abo ng bulkang Bulusan, nananatili sa bilang na limampu’t-limang pamilya na binubuo ng 247 katao ang nasa evacuation center at hindi na ito nadagdagan pa simula kaninang hapon hanggang sa kasalukuyan.

Sinabi din niyang nagsagawa din ngayon ang lokal na pamahalaan ng Irosin ng first aid training sa pangunguna ng mga tauhan ng Provincial at Municipal Police Office kung saan nilahukan ito ng mga volunteer students, evacuees at mga Barangay officials.

Ayon naman kay Information Officer Jerelle Marquez ng LGU-Irosin, ilan sa mga sakit na naitala sa mga evacuation sites particular sa bayan ng irosin ay ang acute respiratory illness, pananakit ng dibdib, lagnay, hypertension, sakit ng ulo at ngipin. Subalit agad din naman itong nabigyan ng first aid at karampatang lunas ng kanilang mga health personnel.

Samantala, nakatanggap naman ng relief goods at gamot kahnina ang mga apektadong residente sa bayan ng Juban mula sa Ako Bicol Party List sa pangunguna ni Atty. Rodel Batocabe. Maliban sa relief goods at gamot, nagsagawa din ang AKB ng medical at dental mission sa mga residente doon. Bukas ay isasagawa naman ang kahalintulad na aktibidad sa bayan ng Irosin. Naroroon din si 2nd District Congressman Deogragracias Ramos upang magbigay suporta. (Bennie A. Recebdio, PIA Sorsogon)



No comments: