Monday, May 23, 2011

Mga kinatawan ng DA Bicol bibisita sa Sorsogon


Ni: Bennie A. Recebido

Sorsogon City, May 23 (PIA) – Nakatakdang dumating bukas, May 24, dito sa lungsod ng Sorsogon, ang takinatawan ng Department of Agriculture – Agricultural training Institute Regional Office V.

Ayon kay Sorsogon City Veterinarian Alex Destura, ang pagbisita ay kaugnay ng gagawing Municipalwide Technical Briefing at Technoclinic para sa mga extension workers at mga magsasaka sa Function Hall ng Sorsogon City Hall mula alas otso y medya hanggang alas singko ng hapon.

Ituturo umano sa mga ito ang mga makabagong teknolohiya sa pagatatnim ng palay atiba pang mga lamang-ugat pati na rin ang tamang pag-aalaga ng mga hayop.

Bukas ang nasabing aktibidad sa mga magsasaka at mga nag-aalaga ng hayop at manukan mula sa iba’t-ibang bagi ng lungsod at maging ng lalawigan.

Ang sinumang interesado ay dapat na makipag-ugnayan lamang sa Sorsogon City Veterinary Office para sa mga karagdagan pang impormasyong makakatulong upang mas maunawaan ang gagawing briefing. (PIA Sorsogon)

No comments: