Tuesday, May 31, 2011

Modernong Gymnasium itinatayo sa Casiguran, Sorsogon


Ni: Bennie A. Recebido

Sorsogon City, May 30 (PIA) – Tatlong buwan mula ngayon ay inaasahang matatapos na ang ipinapagawang makabagong gymnasium sa bayan ng Casiguran, Sorsogon.

Ito ang inihayag ni dating Casiguran Mayor Edwin Hamor na siya ring tumutulong upang maipatayo ang nasabing gymnasium sa mismong Rizal Park ng Casiguran.

Ayon kay Hamor na siya ring asawa ng kasalukuyang alkalde ng Casiguran Mayor Ester Hamor na nasa 43% nang tapos ang gymnasium mula nang simulan ang pagpapatayo nito noong March 21, 2011.

Nasa 33 milyong piso diumano ang kabuuang pondo ng makabagong gymnasium na ito na inutang sa Land Bank of the Philippines na pinahintulutan din mismo ng lokal na Sangguniang  Bayan ng Casiguran.

Anim na libong katao ang kayang i-accommodate ng makabagong gymnasium kung saan mayroon itong mga modernong bleachers, basketball court at iba pang mga pasilidad.

Inaabangan na rin hindi lamang ang mga Casiguranon kundi ang mga Sorsoganon na makita ang kabuuan ng gymnasium na kinukunsiderang pambihira at makabago dito sa lalawigan ng Sorsogon. (PIA Sorsogon)






No comments: