Tuesday, June 28, 2011

Fuel Subsidy para sa mga tricycle franchise owners sa Sorsogon matatanggap na

 Ni: Bennie A. Recebido

Sorsogon City, June 27 (PIA) – Kinumpirma ni Sorsogon City Business Permits and Licenses Division Chief Jose Pura, Jr. na posibleng maipamahagi na sa mga tricycle operators ng lungsod ng Sorsogon ang P150 fuel subsidy sa ilalim ng Pantawid pasada Program ngayong linggo sakaling mawithdraw na ito ng City Treasurer’s Office.

Ayon kay Pura hindi pa nila diumano naipamamahagi ang fuel subsidy para sa mga tricycle operators ng Sorsogon City nitong mga nakalipas na linggo dahilan sa magkakaroon pa di-umano ng pre-audit ang Commission on Audit sa isinagawa nilang payroll.

Nagbigay pag-asa naman ang pahayag na ito ni Pura sa mga tricycle franchise owners lalo pa’t matagal na rin nila diumano itong hinihintay.

Matatandaang Mayo pa nitong taon ay kinumpirma na ng Department of Interior and Local Government (DILG) Regional Office V na nagpalabas na sila ng P2.7M para sa 17,318 Pantawid Pasada Program beneficiaries sa buong rehiyo sa ilalim ng administrasyong Aquino.

sa Sorsogon,mahigit walong libong tricycle fanchise owners na ang na-validate ng ng DILG, ayon kay DILG Regional Director Blandino Maceda. (PIA Sorsogon)

No comments: