Wednesday, October 5, 2011

Ordinansang nagbabawal sa pagsasakay ng mga bata sa motorsiklo isinusulong sa Sangguniang Panlalawigan


Ni: Bennie A. Recebido

Lungsod ng Sorsogon, October 5 (PIA) – Isang ordinansang magbabawal sa pagsasakay ng mga bata sa single motorcycle vehicle ang isinusulong ngayon ni Sorsogon 2nd District Board Member Vladimir Ramon Frivaldo sa Sangguniang Panlalawigan.

Ayon kay Frivaldo isinusulong nya ang pagpasa ng ordinansang ito upang matiyak ang kaligtasan ng mga bata lalo na yaong pitong taong gulang pababa na kadalasang makikitang isinasakay sa mga motorsiklo.

Dagdag pa ni Frivaldo na hangad nitong maiiwas ang mga bata sa anumang aksidente at magiyahan din ang mga magulang nito na maintindihan ang kanilang responsibilidad sa kanilang mga anak.

Inisa-isa din ni Frivaldo ang mga kadahilanan sa pagsusulong niya ng nasabing ordinansa para sa mas malinaw at epektibong pagpapatupad sakaling maipasa na ito ng tuluyan.

Umaasa din ang opisyal na mabibigyan ito ng kaukulang atensyon ng Sangguniang Panlalawigan para na rin sa ikabubuti ng mga mamamayan ng lalawigan ng Sorsogon. (HBinaya/PIA Sorsogon)



No comments: