Ni: Bennie A. Recebido
LUNGSOD NG SORSOGON, January 11 (PIA) – Ipinagdiwang ng mga kapulisan sa buong bansa ang “18th PNP Ethics Day” noong Lunes, ika-9 ng Enero ngayong taon.
May temang “Sustaining ang Efficient Police Service”, sinabi ni Police Chief Inspector Martin G. Batacan, Chief Police Community Relations at Public Information Officer ng Sorsogon Police Provincial Office (SPPO) na ipinagdiwang ng mga kapulisan sa SPPO ang aktibidad sa pamamagitan ng isang simpleng programa kasabay ng kanilang Flag Raising Ceremony sa Camp Salvador, Escudero, Sr. sa lungsod ng Sorsoogn.
Naging pangunahing panuhin at tagapagsalita sa Atty. Louie Toldanes, Sorsogon Provincial Officer ng National Police Commission (NAPOLCOM).
Sa mensahe nito, sinabi niyang bawat kasapi ng pulisya ay dapat na maging matapat at tinalakay din niya ang kahalagahan ng pagtupad ng kanilang tungkulin para sa mga mamamayan sapagkat dala umano ng mga ito hindi lamang ang kani-kanilang mga sarili kundi ang buong imahe at reputasyon ng bawat pulis at ng buong organisasyon.
Naroroon din sa simpleng pagdiriwang si PNP Provincial Director Police Senior Superintendent John CA Jambora at ang buong hanay ng mga opisyal at kapulisan ng SPPO at ang Provincial Public Safety Company (SPPSC).
Ang pagdiriwang ng Ethics Day ay mabisa ding paalala sa mga kapulisan sa pagkakaroon ng tamang asal at matinong pagpapatupad ng kanilang mga tungkulin bilang mga alagad ng batas at civil servant. (SPPO/PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment