Thursday, January 12, 2012

Awtoridad at mga network company nagbabala laban sa ilegal na mga SIM Card


Ni: Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, January 12 (PIA) – Pinag-iingat ang publiko laban sa mga pinagbebentahan ng SIM CARD na ginagamit sa mga cellular phones. Ito ang paalalang ibinigay ng isang telecom network card distributor dito sa Sorsogon.

Sa paalala, inihayag nitong dapat na mag-ingat ang publiko sa mga pinagbebentahan ng SIM card sapagkat maaari umanong ang mga ito ay gumagawa ng illegal bypass o international call re-selling.

Sila ay mga operators na gumagamit ng mga pre-paid SIM Card para makatawag ang mga nasa abroad dito sa Pilipinas nang hindin dumadaan sa legal na switching facilities ng mga licensed carriers o service providers.

Maging ang mga kinauukulan ay mahigpit ang panawagan na huwag pagbentahan ng mga SIM card ang mga nakikilalang bypass operators. Mas mainam umanong umiwas na lamang na madamay sa mga aksyong legal na maaaring gawin ng mga kinauukulan laban sa mga bypass operators.

Sakaling umanong makaenkwentro ng ganitong insidente ay makipagtulungan sa mga awtoridad na masugpo ito sa pamamagitan ng agarang pagreport sa tanggapan ng partikular na network provider na ginamit o sa pinakamalapit na pulisya.

Binigyang-diin din ng telecom network card distributor na dahil sa mga illegal bypass operators o international call re-selling ay maaaring bumababa ang kalidad ng mga tawag kapag dumadaan ito sa kanila. (BAR, PIA Sorsogon)



No comments: