Friday, October 26, 2012

BERN, patuloy na isinusulong ang kanilang serbisyo publiko ukol sa kaalamang pangkaligtasan



Ni: FB Tumalad

LUNGSOD NG SORSOGON, October 25 (PIA) – Upang higit pang mapalakas ang pagresponde sa panahon na may mga kalamidad nag-alok ng kanilang serbisyo sa pamahalaang lungsod ng Sorsogon ang BERN.

Ang BERN o mas kilala sa tawag na Bicol Emergency Response Network Incorporated ay isang organisadong grupo ng Non-Government Organization na may hangaring makatulong sa mga mamamayan lalo na pagdating sa mga emerhensya tulad ng bagyo, baha at iba pang uri ng kalamidad. 

Ayon BERN President Pierre Dellosa, marami na ring mga pagkilala ang natanggap ng BERN sa rehiyon ng Bikol na may kaugnayan sa mabilis na pagresponde sa panahong mga mga peligro.

Panawagan ni Dellosa sa mga Sorsoganon na panatilihin ang nakaugaliang bayanihan at magtulungan upang makamit ang isang ligtas at matatag na syudad sa oras ng mga kalamidad.

Suportado rin nya ang isinusulong ngayon ng pamahalaang nasyunal na Public Private Partnership na patuloy na isinusulong sa mga pampublikong paaralan sa syudad ng Sorsogon. (FBTumalad, PIA Sorsogon)

No comments: