Wednesday, February 20, 2013

NTC nagsasagawa ng Mobile Registration


telecommunication.aboutph

Ni: Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Pebrero 20 (PIA) – Nasa Sorsogon ngayong araw ang ilang tauhan ng National Telecommunications Commission (NTC) Regional Office V upang magsagawa ng isang araw na Mobile Registration at Licensing sa SB Session Hall sa bayan ng Irosin, Sorsogon.

Alas nueve ng umaga kanina ng simulan ito na magtatagal hanggang mamayang alas-kwatro.

Ayon kay NTC Bicol Regional Director Arnel Padilla, ang aktibidad ay isinakatuparan upang mabigyan ng pagkakataon na maiparehistro, maisa-legal, at mabigyang lisensya ang lahat na unregistered radio transceivers na ginagamit sa iba-ibang mga ahensya ng pamahalaan at pribadong opisina o ginagamit ng mga indibidwal sa lalawigan ng Sorsogon.

Sinabi din ni Padilla na hindi sila mangingiming patawan ng kaukulang penalidad ang sinumang mahuhuling lumalabag sa patakarang ipinatutupad ng NTC.

Halos ay ilang linggo ring nanawagan ang NTC sa mga Sorsoganon na gumagamit ng radio transceivers na samantalahin ang pagkakataong ito. (BARecebido, PIA Sorsogon)

No comments: