Friday, June 25, 2010

Selebrasyon ng kapistahan ni San Pedro at San Pablo

Tagalog News Release

SORSOGON PROVINCE (June 25) – Simple man ang paraan ng pagdiriwang, patuloy pa rin ang gabi-gabing kasiyahan dito sa lungsod ng Sorsogon sa pamamagitan ng beer plaza at nightly band shows na sinimulan noong June 17, kaugnay ng nalalapit na kapistahan ni San Pedro at San Pablo sa darating na Martes sa susunod na linggo.

Pagdating sa mga naghahanap ng murang bilihin, makikita din ang Fiesta Caravan at Baratillo Grande sa isang bahagi ng capitol grounds at sa kanto ng Rizal Street patutungong Sorsogon City Pier.

Sa mga deboto naman, patuloy ang siyam na araw na nobenaryong panata para kay San Pedro at San Pablo.

Deklarado namang official holiday sa araw ng Martes, June 29 bilang pakikiisa ng lungsod sa selebrasyon ng kapistahan ng patron nito. (PIA SOrsogon)

No comments: