Monday, July 26, 2010

PATAY NA BUTANDING NATAGPUAN SA DONSOL, SORSOGON

Tagalog News Release

DONSOL, SORSOGON (July 27) - Isang Butanding ang nakitang patay sa katubigan ng Brgy. Binisitahan, Donsol, Sorsogon nito lamang nakaraang araw.

Sa impormasyong ipinaabot sa PIA Sorsogon, nasa 10 metro ang haba ng patay na butanding at nasa state of decomposition na ng makita ito.

Agad namang rumisponde ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at ang World Wide Fund (WWF) upang magsagawa ng kaukulang imbestigasyon ukol sa posibleng naging dahilan ng pagkamatay nito.

Naniniwala ang BFAR na halos ay may isang buwan nang patay ang butanding bago ito lumitaw at natagpuan sa karagatan.

Sa ngayon, ayon sa BFAR ay patuloy ang kanilang imbestigasyon at nangakong agad naman nilang ilalabas ang resulta sakaling may makalap na sila. (Bennie A. Recebido, PIA Sorsogon)

No comments: