Tagalog News Release
SORSOGON PROVINCE (July 26) – Nakatutok ngayon ang mga Sorsoganon sa mga kaganapan kaugnay ng magaganap na kauna-unahang State of the Nation Address ni Pangulong Benigno Simeon ”Noynoy” Aquino III mamayang hapon.
Ayon sa ilang mga residenteng nakapanayam natin, masusubok ngayon sa pamamagitan ng mga bibitiwang salita ng Pangulo kung gaano nga ba katatag ang kanyang magiging administrasyon.
Generally, nais ng mga Sorsoganon na matutukan ni Pangulong Noynoy ang mga isyu sa korapsyon, insurgeny at kahirapan, at inaabangan dito ang mga konkretong hakbang na gagawin ng bagong administrasyon upang matugunan ang mga isyung may kaugnayan sa tatlong aspetong nabanggit.
Habang marami din ang umaasang mabibigyang prayoridad ng Pangulo sa kanyang SONA ang mga usapin ukol sa reporma sa agraryo, coco levy, krisis sa enerhiya, STL, GSIS at ang pagpapataas sa moralidad at kumpyansa ng mga uniformed men and women.
Red alert din ang mga kapulisan simula pa noong nakaraang linggo upang mamantini ang kapayapaan at kaayusan kaugnay ng aktibidad ngayong araw.
Bagama’t hindi lahat ay naghayag ng pagiging optimistiko sa bagong administrasyon, mababasa pa rin sa mga pahayag ng ilang mga residente dito ang pag-asang nawa’y kahit papaano’y maiangat din ang kabuhayan ng mga Pilipino at tunay ngang magiyahan ng Pangulo ang mga mamamayan tungo sa matuwid na landas. Bennie A. Recebido, PIA Sorsogon
No comments:
Post a Comment