Wednesday, March 30, 2011

Build-Up activities isasagawa ng Transport Group sa Sorsogon bukas

Ni: Bennie A. Recebido

Sorsogon City, March 30 (PIA) – Mariining inihayag ng mga transport organizations dito sa Sorsogon na march protest lamang ang gagawin nila dito sa lalawigan maging sa buong rehiyon ng Bikol bukas sa kabila ng panawagang nationwide transport strike bukas.

Ayon kay Pinag-Isang Samahan ng Drivers at Operators Nationwide (PISTON) president Sorsogon chapter Eduardo Ferreras na hindi umano sila sasabay sa transport strike bukas bilang antisipasyon na rin sa gagawin nilang pagsabay sa tigil pasada na ilulunsad nila ngayong Abril sakaling hindi masagot ng pamahalaan ang kanilang mga hinaing.

Sinabi ni Ferreras na march protest ang gagawin nila upang maipaabot sa pamahalaan ang kanilang panawagang pagbasura sa oil deregulation law at pag-alis sa 12% VAT na ipinapataw sa mga petrolyo.

Kabilang din sa mga build-up activities na gagawin nila ay ang pamamahagi ng mga information materials sa publiko, radio guesting/interviews, signature campaign at iba pa.

Matatandaang nauna nang naglunsad ng tigil pasada ang mga transport group dito sa Sorsogon bilang pakikiisa sa isinagawang regionwide transport strike sa Bicol noong March 16, 2011. (PIA Sorsogon)

No comments: