Wednesday, March 30, 2011

Fun Run ng mga kababaihan isinagawa kanina

Ni: Bennie A. Recebido

Sorsogon City, March 30 (PIA) – Naging masaya at matagumpay ang isinagawang fun run ng mga kababaihan kaninang alas sais ng umaga dito sa lungsod ng Sorsogon bilang isa sa mga aktibidad kaugnay ng selebrasyon ng Women’s Month ngayong Marso.

Ayon kay Provincial Gender Advocacy and Development Council vice-chair at Sangguniang Panlalawigan member Rebecca Aquino, ginawa ang fun run upang maipakita ang pagkakaisa ng mga kababaihan sa pagpapaabot ng kanilang panawagan upang mapalakas pa ang kampanya ukol sa gender equality at women empowerment.

Aktibong nilahukan ang fun run ng iba’t-ibang mga women’s organizations, non-government organizations, peoples organizations, private at public schools at mga kinatawan mula sa mga government national agencies dito sa Sorsogon.

Nakatakda ding gawin ang culminating activity mamayang gabi  sa pamamagitan ng isang awarding ceremony na tinaguriang “A Night for the empowered Women of Sorsogon” kung saan kikilalanin at pararangalan dito ang mga natatanging kontribusyon ng mga Sorsoguena sa larangan ng pulitika, negosyo at iba pa.

Pararangalan din sa gabing ito ang Best Municipal Gender Advocacy and Development Implementor at Best Non-Government Organization GAD Implementor. (PIA Sorsogon)

No comments: