Friday, September 16, 2011

Mga proyekto ng DPWH-S2DEO ininspeksyon


Ni: Bennie A. Recebido

Lungsod ng Sorsogon, September 16 (PIA) – Responsable sa pagsubaybay sa mga proyektong ipinatutupad ng kanyang tanggapan, ininspeksyon ni Department of Public Works and Highway (DPWH) Sorsogon 2nd District Engineer Jake Alamar ang mga proyektong kasalukuyang ginagawa at malapit nang matapos sa sakop niyang distrito.

Ayon kay DE Alamar, ginawa niyang personal na debosyon at patakaran ang regular na pag-iinspekyon ng mga nagawa at kasalukuyang ginagawang mga proyekto ng DPWH Sorsogon 2nd District Engineering Office (S2DEO) upang makita ang kalagayan ng trabaho at tiyaking hindi nasasayang ang pera ng bayan.

Kamakailan lamang ay personal diumano niyang binisita ang proyektong Ariman Junction-BUlusan Lake Road Concreting project malapit sa Bulusan Lake Natural Park.

Ang nasabing proyekto ay pinondohan ng DPWH ng aabot sa P29-M sa ilalim ng DPWH regular infrastructure fund.

Inaasahang matatapos nang tuluyan ang proyektong ito bago magtapos ang ikaapat na kwarter ngayong taon.

Kasama ni Engr. Alamar sa pag-inspeksyon ang iba pang mga tauhan ng DPWH S2DEO na sina Chief Maintenance Engineer Jose G. Gigantone, Planning and Design Section Chief nancy D. Doloiras, Construction Section Chief Carlos B. Sulit, Soil and materials Quality Control Section Chief Jessie D. Baluyot, mga inhenyero at technical staff ng tanggapan. (HPDeri-DPWHS2DEO/PIA Sorsogon)

No comments: