LUNGSOD NG SORSOGON, Marso 22
(PIA) – Para sa mas
epektibong serbisyo publiko at mabilis na pagtugon sa pangangailangang
emerhensiyang pangkomunidad sa probinsya ng Sorsogon, ito ang isa sa mga
adyenda ng pagbisita ni Gil De La Torre, National President at Founder ng
Kabalikat Civicom.
Ang Kabalikat Provincial Council ang
nag-organisa ng nasabing pagtitipon sa pangunguna ni Provincial Chairman Jasper
Ian Ubaldo.
Sinabi ni KB 515 President Roel Atutubo na nakatakdang
dumating si De La Torre sa Sorsogon sa
ika-23 ng Marso ngayong taon para sa isang Grand Eyeball na aktibidad
upang makipagtalastasan sa mga aktibong kasapi ng kabalikat Civicom Sorsogon
Chapter sa probinsya ng Sorsogon sa Sorsogon State College, lungsod ng
Sorsogon.
Ang Kabalikat Civicom ay isang Non-Government,
Non-Profit Organization at walang pinapanigang partido politikal. Ang bawat
miyembro nito ay gumagamit ng sariling VHF portable radio transceiver para sa
kanilang mga aktibidad tulad ng pagbibigay ayuda sa panahong may nasaksihan
silang aksidente sa kalsada, mga sakuna, krimen at kalamidad.
Ayon pa kay Atutubo kasama sa mga adyenda
ni De La Torre ang kumpirmasyon ng ibang chapter, pagdinig sa mga opinyon at
suliraning kinakaharap ng mga ito upang mabigyan ng solusyon.
Sa kasalukuyan, nananatiling aktibo sa
Sorsogon ang Kabalikat Civicom Sorsogon City Chapter, Bacon Chapter, Castilla
Chapter, Bulan Chapter, Magallanes Chapter at Matnog Chapter habang ang grupo
ng Pilar Chapter ay kasalukuyang inoorganisa pa lamang doon.
Magkakaroon din ng Seminar ang National Telecommunications
Commission (NTC) Regional Office No. 5 bago isasagawa ang ang VHF registration
o pagrerehistro ng mga portable at base radio ng mga kasapi ng organisasyon
upang legal nilang magamit ang mga ito. (FB Tumalad, PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment