Tuesday, July 9, 2013

Sumukong kasapi ng CNN ipiprisinta sa Press Conference



LUNGSOD NG SORSOGON, HulyO 9 (PIA) – Nakatakdang magsagawa ngayong araw ng Press Conference ang pamunuan ng Sorsogon Police Provincial Office sa pamumuno ni Provincial Director Police Senior Superintendent Ramon S. Ranara.

Ito ay kaugnay ng isang kasapi ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CNN) na boluntaryong pumunta at sumuko sa Donsol Municipal Police Station.

Sa nasabing press conference, ipiprisinta din ang nasabing rebeldeng  kusang loob na bumaba ng kabundukan at boluntaryong sumuko kahapon bandang 8:20 ng umaga sa hepe ng Donsol Municipal Police Station sa Donsol, Sorsogon.

Kinilala ang sumukong rebelde sa pangalang Merjel Nebria y Omnes aka Joy, na diumano’y Vice Chairman ng CNN Donsol Larangan 2 Komite sa Probinsya (KOMPROB) Sorsogon. (BA Recebido, PIA Sorsogon)

No comments: