Friday, July 13, 2012

Pagbabawal sa mga nagtitinda sa paligid ng paaralan tinututukan


Ni: Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Hulyo 13 (PIA) – Nanawagan ang pamunuan ng Sorsogon City Schools Division sa mga mag-aaral na kung maaari ay iwasan na ang pagtangkilik sa mga tindahan ng junk foods at pagbili ng mga laruan sa mga sidewalk vendors.

Sa Reaching Out Program ng DepEd sinabi ni Sorsogon City Schools Division Special Education Supervisor Rose Caguia na isa sa mga suliraning kinakaharap ngayon hindi lamang ng mga guro at opisyal ng mga paaralan kundi maging ng mga magulang ng mag-aaral ang mga nagtitinda sa mga paligid ng paaralan ng pagkain, inumin at laruan na kung minsan ay nagiging ugat ng pagkakasakit o di naman kaya’y nagiging sanhi upang maaksidente ang mga mag-aaral kapag  rush hour dahilan sa pag-uunahan nitong makabili o di kaya’y sa pagsisikip ng mga daanan.

Ayon kay Caguia, makailang-ulit na nilang sinita ang mga nagtitinda, subalit pabalik-balik pa rin ito kung kaya’t higit umanong tututukan nila ngayon ang pagpapa-alis sa mga ito.

Sinabi din niyang paiigtingin nila ang information campaign sa mga mag-aaral at kung hindi umano tatangkilikin ng mga mag-aaral ang mga ibinebenta ng mga nagtitindang ito sa paligid ng mga paaralan ay tiyak na magsasawa ito at kusa na ring aalis.

Samantala, hinikayat din ng opisyal ang mga kantina sa mga paaralan na gawing kaakit-akit sa mga mag-aaral ang paligid ng kantina at ang mga ibinebenta dito nang sa gayon ay mabaling ang atensyon ng mga bata at dito na ito bumili ng kanilang pagkain at inumin.

Dapat din umanong panatilihin ang kalinisan ng mga kantina, isa-alang-alang ang tamang paghahanda ng pagkain at maayos na kalusugan ng mga personaheng nagmamantini nito. Nag-abiso din si Caguia sa mga kantina na dapat na palagiang bagong luto ang mga ibinebentang pagkain upang makaiwas sa food poisoning.

Sa ngayon ay aktibo ang Deped sa pagpapaigting ng kampanya ukol sa tamang nutrisyon at kalinisan lalo’t ipinagdiriwang ngayong Hulyo ang Buwan ng Nutrisyon sa ilalim ng temang: “Pagkain ng Gulay Ugaliin, Araw-araw Itong Ihain”. (BARecebido/FBTumalad, PIA Sorsogon)

Kasanayan ng mga kasapi ng PCPC ukol sa mga batas na nagbibigay-proteksyon sa menor de edad pinaiigting


Ni: Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Hulyo 13 (PIA) – Apat na mga malalaking batas na nagbibigay karapatan at proteksyon sa mga menor de edad ang tinalakay sa isinagawang Paralegal Training kamakailan dito sa lungsod para sa mga kasapi ng Provincial Council for the Protection of Children (PCPC) partikular yaong kabilang sa Sorsogon Provincial Inter-Agency Anti-Child Labor Committee and Sagip Batang Manggagawa Quick Action Team (SPIACLC-SBMQAT).

Kabilang sa mga batas na ito ay ang Republic Act 9231 o ang batas na nagbibigay proteksyon sa mga nagiging biktima ng child labor, Republic Act 7610 o ang batas na nagbibigay proteksyon sa mga menor de edad laban sa anumang uri ng pang-aabuso, eksplotasyon at pang-aapi, Republic Act 9208 o ang Anti-Trafficking in Persons Act at ang Republic Act 9394 o ang Juvenile Justice System Act.

Ayon kay Senior Labor and Employment Officer Marilyn Luzuriaga ng Department of Labor and Employment Sorsogon, dapat na maging prayoridad ang pagbibigay proteksyon sa mga bata sapagkat ang anumang uri ng pang-aabuso sa mga ito ay magbibigay ng negatibong epekto sa buhay ng mga biktima lalo na sa pisikal, emosyunal, sikolohikal at sosyal na aspeto ng kanilang buhay na maaaring madala nila sa kanilang paglaki o pagtanda.

Ipinaliwananag din niya ang pagkakaiba ng child work at child labor sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga larawan kung saan ang child work ay may layuning maturuan ang bata ng mga trabahong kapaki-pakinabang sa kanyang paglaki at pagharap sa hamon ng buhay, habang ang child labor ay peligrosong pagpapatrabaho sa mga bata kapalit ng materyal o di materyal na bagay.

Samantala, ipinaliwanang naman ni Provincial Prosecutor Regina Coeli Gabito ang tamang pagtrato sa mga menor de edad na nabibiktima ng pang-aabusong sekswal, child trafficking at yaong mga tinatawag na “children in conflict with the law” o mga menor de edad na nasasangkot sa kriminalidad.

Malaking karagdagan din sa kaalaman ng mga kalahok ang pagtalakay ni Gabito ng mga pamamaraang ginagamit ng korte sa mga kasong menor de edad ang sangkot tulad halimbawa ng paggamit ng anatomic doll, multi-media, psychology at marami pang iba.

Nilinaw din niya na ang mga batang edad 15 anyos pababa na nasasangkot sa anumang uri ng krimen ay walang criminal liability at walang kasong criminal na sasagutin subalit dapat na sumailalim ito sa rehabilitasyon o intervention program at hindi dapat na pabayaan na lamang. (BARecebido, PIA Sorsogon)

Thursday, July 12, 2012

Tulong pinansyal ipamamahagi sa mga may kapansanan


Ni: Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Hulyo 12 (PIA) – Kaugnay ng pagdiriwang ng National Disability Prevention and Rehabilitation (NDPR) Week sa Hulyo 17-23, 2012, nakatakdang mamahagi ang Pamahalaang Panlungsod ng Sorsogon ng tulong pinansyal sa mga batang may kapansanang mag-aaral ng Sorsogon East Central School Special Education (SECS SPED) Center.

Pangungunahan ni Sorsogon City Mayor Leovic Dioneda at ni City Social Welfare and Development Office Mae Esta ang pamamahagi ng tsekeng nagkakahalaga ng P1,000 para sa bawat mag-aaral ng SPED. Aabot sa 100 na mga mag-aaral ang mabibiyayaan ng nasabing tulong pinansyal kabilang na ang mga Visually Impaired, Mentally Challenged at Hearing Impaired pupils bilang tulong sa pag-aaral ng mga ito.

Aminado ang mga guro ng SPED Center na sadyang malapit ang kalooban ng akalde sa mga batang may espesyal na pangangailangan at malimit din umano itong nagbibigay-tulong sa mga ito sa lahat ng panahon lalo na kapag may mga aktibidad.

Ayon naman sa mga magulang ng mga mag-aaral ng SPED Center, malaking tulong sa kanila ang taunang pagbibigay ng financial assisatance ng lokal na pamahalaan ng lungsod kung kaya’t naghayag sila ng pasasalamat sa alkalde at sa pamunuan ng City Social Welfare and Development Office dahilan sa ipinapakitang pagmamalasakit nito sa mga batang may espesyal na panganailangan.

Tema ng pagdiriwang ng NDPR Week ngayong taon ang “Mainstreaming Persons With Disabilities in Economic Development”. (BARecebido/FBTumalad Jr., PIA Sorsogon)


Malinaw na patakaran sa pagbibigay ng travel order sa mga bokal binigyang-linaw


Ni: Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Hulyo 12 (PIA) – Determinadong inihayag ni 1st District Board Member Atty. Arnulfo Perete na kinakailangang magkaroon ng malinaw na polisiya o patakaran ang mga kasapi ng Sangguniang Panlalawigan ukol sa travel order ng mga board member.

Ito umano ay upang hindi makompromiso ang mga kautusan o direktibang nanggagaling sa Department of Interior and Local Government (DILG) sa lakad ng mga opisyal ng lalawigan partikular na ng mga bokal.

Sa naging paglilinaw, kunsideradong official travel ang lakad ng isang bokal kung mayroon itong pormal na imbitasyon galing sa isang organisasyon, ahensya o maging indibidwal man na may kaugnayan sa kanyang trabaho bilang board member, kung wala umano ang pormal na imbitasyon ay ikukunsiderang personal travel ito.

Dahilan dito, napagkasunduan ng bujong konseho na dapat na magkaroon ng pormal o konkretong dokumento ang isang bokal na magpapatunay na opisyal ang kanyang transaksyon o lakad lalo na sa oras na mayroong regular na sesyon ang konseho ng Sangguniang Panlalawigan.

Ipinaliwanag at binigyang-diin naman ni Vice Gov. Antonio Escudero na sakaling may lakad, opisyal man o hindi, ang isang bokal sa araw ng Lunes ay dapat na maisumite ng mga ito Biyernes pa lamang ang mga dokumentong kinakailangan upang maiwasan ang pagkakaroon ng penalidad.

Ang nasabing paglilinaw ay ginawa matapos na magtanong si Bokal Benito Doma ukol sa sistema ng pagbibigay ng travel order at sa napapansing madalas na pagliliban sa mga sesyon.

Samantala, inihayag ni Bokal Arnulfo Perete na umabot na sa P100,000 ang nalikom ng Sangguniang Panlalawigan mula sa multa ng mga naglilibang mga bokal.

Ang regular na sesyon ng Sangguniang Panlalawigan ng Sorsogon ay nakaiskedyul tuwing araw ng Lunes. (BARecebido, PIA Sorsogon/HBinaya)


Wednesday, July 11, 2012

NGCP is now IMS certified

 News Release
11 July 2012

NGCP is now IMS certified

QUEZON CITY - The National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) received its Integrated Management System (IMS) certification on June 19, 2012 from TUV Rheinland Philippines, a third-party auditing firm specializing in international standards accreditation. The country’s sole transmission service provider and power system operator was certified in three management systems: Quality Management System – ISO 9001: 2008, Occupational Health & Safety Management System – OHSAS 18001:2007 and Environmental Management System – ISO 14001: 2004.

The three management systems ensure consistency in implementing procedures and policies on the corporation’s technical and non-technical operations. With the IMS certification, power customers and the public are assured that NGCP’s services are delivered with utmost quality, with due consideration to the environment and the safety of its employees and stakeholders.

The certification covers the operation, maintenance, and expansion of the nationwide transmission network including support functions performed by NGCP’s Office of the President, Administration, Finance, Operation & Maintenance, System Operation, and Planning and Engineering Groups.

Mr. Tristan Arwen G. Loveres, Chief Operating Officer of TUV Rheinland Philippines presented the three certificates to NGCP President and CEO Mr. Henry T. Sy, Jr. at the awarding ceremony held at the NGCP Head Office in Quezon City.

“As an IMS-certified company, NGCP moves one step closer towards its goal of becoming the strongest power transmission facility in Southeast Asia.,” Mr. Sy said after accepting the award on behalf of management and employees. He also expressed his heartfelt gratitude to NGCP employees, “particularly the IMS Technical Working Group, for their tireless cooperation and dedication in complying with the technical and documentary requirements.”

At the awarding ceremony, NGCP Chief Technical Officer Mr. Wen Bo also hailed the certification as a tool for “continuous improvement of business processes and overall performance.” The transmission company’s Chairman of the Board Mr. Du Zhigang witnessed the awarding which was attended by several other executives and employees.

Twenty (20) corporate procedures of NGCP were IMS certified, including quality and safety management, purchasing, training and development, emergency preparedness and corporate performance management, to name a few. These procedures passed TUV’s assessment and are now at par with international standards.

NGCP started the application for certification in March 2011 which took almost a year to complete. By February this year, after two rounds of certification audits, TUV recommended NGCP to be IMS certified.

The IMS certification is the latest in NGCP’s various efforts to provide more reliable transmission services to meet the growing demands of its customers and the public. (NGCP/PIA Sorsogon)

For media inquiries, please contact:
Atty. Cynthia P. Alabanza, Spokesperson (cpalabanza@ngcp.ph/09175707884)


#########

The management team of the National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) accepts the Integrated Management System (IMS) certification from TUV Rheinland Phils. for quality, health and safety, and environmental management on June 19, 2012. In photo (left to right): Mr. Ma Ruoxin – Chief Executive Adviser and Assistant Chief Technical Officer for System Operations; Mr. Yao Yousheng – Chairman of the Board Audit Committee; Ms. Ma. Nanette G. Bugnosen – Chief Finance Officer; Mr. Wang Honghai – SVP, State Grid International Development; TUV Rheinland Phils. COO Mr. Tristan Arwen G. Loveres; Chairman Du Zhigang – Chairman of the Board, NGCP and VP, State Grid Corp. of the China; Mr. Henry T. Sy, Jr. – President and CEO; Mr. Anthony L. Almeda – Chief Administrative Officer; Mr. Wen Bo – Chief Technical Officer; and Atty. Joseph Ferdinand M. Dechavez – Senior Adviser to the President.
National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) Chairman of the Board Mr. Du Zhigang leads the ceremonial placement of IMS certification stickers at the NGCP Main Building in Quezon City. Looking on are TUV Rheinland Phils. COO Mr. Tristan Arwen G. Loveres (left) and NGCP President and CEO Mr. Henry T. Sy, Jr. (center).
Mr. Henry T. Sy, Jr. (right), President and CEO of the National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), accepts the Integrated Management System (IMS) certification on June 19, 2012 from TUV Rheinland Phils. Chief Operating Officer Mr. Tristan Arwen G. Loveres (left). Witnessing the awarding ceremony is NGCP Chairman of the Board Mr. Du Zhigang (center).