Monday, January 17, 2011

NON-INDEX FIRE NAITALA NG SORSOGON CITY FIRE PROTECTION


SORSOGON PROVINCE – Bandang 11:51 ng tanghali nang Enero 14, isang sunog ang naitala ng Sorsogon City Fire Protection sa RJR Compound, Balogo, Sorsogon City.

Napag-alamang sanhi ng sunog ang electric short circuit sa paupahang bahay na tinitirahan nina G.at Gng. Concordio Supremo at nang pamilya nito na pagmamay-ari naman ni Gng. Ana Detera Corral, 50 taong gulang.

Agad namang naagapan ng Bureau of Fire Protection ang sunog na sinasabing Non-Index Fire lamang kung saan mababa lang ang halaga ng pinsala.

Gayunpaman, nagpapasalamat pa rin ang pamilya Supremo dahil walang nasaktan sa nangyaring insidente.




No comments: