Monday, January 17, 2011

SORSOGON MAY BAGONG BIR REVENUE DISTRICT OFFICER


SORSOGON PROVINCE – Dumating na sa Sorsogon noong nakaraang linggo ang bagong Revenue District Officer ng Bureau of Internal Revenue Sorsogon sa katauhan ni Mrs. Ma. Thelma F. Pulhin na dating naka-assign sa BIR district office ng Romblon.

Sa panayam kay Pulhin, sinabi nitong pina-familiarize pa niya ang Sorsogon at n akatakda din niyang ikutin sa lalong madaling panahon ang mga munisipalidad ng lalawigan upang magbigay kurtesiya sa mga opisyal dito.

Ayon kay Pulhin, malaking challenge sa kanya ang magandang performance ng Sorsogon lalo na pagdating sa tax collection efficiency sa ilalim ng pamumuno ni dating revenue district officer Arturo Abenoja.

Sinabi din niyang bagama’t nabatid na rin niya ang mataas na koleksyon ng BIR Sorsogon noong huling kwarter ng taon, wala pa sa kamay niya ang eksaktong datos ng nagging koleksyon ng Sorsogon sa nakaraang kwarter at sa buong taon ng 2010.

Subalit tiniyak naman nito na anumang oras na makumpleto na ang mga datos ay agad din naman niyang ilalabas ito upang malaman ng publiko.

Hinihintay din nila sa ngayon ang ibibigay na tax collection goal ng BIR Central Office para sa BIR Sorsogon sa taong 2011.

Si Pulhin ang pumalit kay Mr. Arturo Abenoja na sa ngayon ay inilipat na sa Ormoc City bilang bagong revenue district officer naman doon.





No comments: