Monday, January 17, 2011

SORSOGON PROVINCIAL RISK REDUCTION OFFICE PATULOY ANG PAGMOMONITOR SA KALAGAYAN NG SORSOGON


Ang Sorsogon Provincial  Risk Reduction Management  Office ay   patuloy sa pagmomonitor sa kasalukuyang kalagayan ng Sorsogon. Batay na rin sa ulat ng PAGASA ang probinsya ay  dumaranas at makakaranas ng pag-ulan upang  ang mahigpit at malawak  na koordinasyon sa lahat na MDRRC ay isinasagawa.

Makalipas ang  malakas ng pag-ulan sa syudad  ng Sorsogon dalawang munisipyto  sa se gundo distrito ang malubhang naapektuhan: ang bayan ng Bulan at Juban.

Sa bayan ng  Bulan  naapektuhan ang barangay: San Francisco, San Isidro, Obrero, Managanaga, San Vicente, Gati  at Garumata, may 77 pamilya ang kabuuan na naapektuhan.

Samantala, sa bayan ng Juban   naapektuhan din ang barangay: Aroroy, Cogon, Sipaya, Katanagan, Garuya at Binanwahan na may naitalang 64 na pamilya ang lumikas pansamantala sa kanilang  mga barangay at ito ay pinangunahan ng Barangay Disaster Risk Reduction Program at local go vernment unit .

Kahapon  si Gob. Raul R. Lee ay naglibot sa mga bayan na naapektuhan ng pagbaha at landslides at nagb igay ng relief goods sa mga naapektuhang bayan. Mahigpit din niyang pinaalalahanan na maging  mapaghanda ang mamamayan na kusang lumikas at huwag ng maghintay kung nakikita nilang dahil sa panahon ay may nakaambang panganib                                   .Aniya dapat sila  ang magbantay sa sarili nila at gawin ang nararapat. Ang pamahalaan ay nakahanda na sila ay bigyang tulong.

No comments: