Ni: Bennie A. Recebido
Sorsogon City, April 25 (PIA) – Matapos na maging aktibo ang Philippine Red Cross Sorsogon Chaper partikular ang kanilang mga volunteers noong nakaraang Sabado at Linggo dahilan sa mahigpit na beach patrol guarding na isinagawa ng mga ito, ngayong araw ay nakatakda namang simulan ang limang araw na Water Survival Course sa Palhi, Sorsogon City para sa mga indibidwal na labinglimang taong gulang pataas, physically at mentally fit at nabigyan na ng pinakahuling First Aid at Basic Life Support-Cardio pulmonary Resuscitation (BLS-CPR) certificate.
Habang nakaiskedyul naman sa Biyernes ang graduation ceremony ng mga lumahok sa Summer Safety Institute - annual summer training sa lahat ng Red Cross chapters.
Ayon kay PRC Sorsogon chapter administrator Salvacion Abotanatin, layunin ng isinagawa nilang isang buwang mga aktibidad na tipunin ang mga volunteer instructors at bigyan ng updating ukol sa mga makabagong pamamaraang pangkaligtasan.
Isa diumano sa minamantini ng Red Cross ay ang pagiging pangunahing organisasyong tagapagtaguyod ng First Aid, Basic Life Support-Cardio pulmonary Resuscitation, Water Safety, Accident Prevention at iba pang mga kaugnay na programang pangkaligtasan hindi lamang sa mga lalawigan o munisipalidad kundi sa buong Pilipinas at Asia Pacific region. (PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment