Friday, June 24, 2011

1st National Trail Run pinaghahandaan na ng LGU-Bulusan


Ni: Bennie A. Recebido

Sorsogon City, June 24 (PIA) – Abala na ngayon ang local na pamahalaan ng Bulusan sa tulong ng Aggrupation of Advocates for Environmental Protection o AGAP-Bulusan, Inc., isang non-government organization na nangangalaga sa Bulusan Volcano Natural Park (BVNP), para sa gagawin nilang aktibidad sa darating na July 23 – ang 21-km First National Trail Run.

Ayon kay AGAP – Bulusan President Philip Bartilet, layunin ng nasabing trail run o “Dalagan sa Kabubudlan” na mapalakas at mapasigla pa ang turismo sa kanilang lugar.

Bukas na rin diumano sa ngayon ang registration para sa sinumang nais sumali kung saan maaari silang makipag-ugnayan sa AGAP Bulusan o sa tanggapana ng lokal na pamahalaan ng Bulusan.

Dagdag pa niyang sa kabila ng marami na ang naghayag ng interes na sumali, hindi lamang mga taga-rito kundi maging yaong mga nasa ibang bansa na nagsabing uuwi sila upang makasabay sa aktibidad, nanawagan pa rin ang technical working committee sa publiko na suportahan ng lubos ang kauna-unahang trail run na ito.

Katuwang din ng LGU – Bulusan ang mga non-government agencies at iba pang mga pribadong sector sa pagsusulong ng aktibidad na ito na gagawin dalawang araw bago ang kapistahan ng patron ng Bulusan. (PIA Sorsogon)


No comments: