Wednesday, August 4, 2010

PSMEDC NAGKAROON NG REORGANISASYON

SORSOGON PROVINCE – Sa pag-upo ng mga bagong halal na chairperson at co-chairpersons ng Provincial Micro, Small and Medium Enterprise Development Council (PMSMEDC) at sa pagbibigay prayoridad ng national government sa mga Micro, Small and Medium Enterprises, ayon na rin sa SONA ng Pangulo noong Lunes, nananatiling positibo ang Department of Trade and Industry (DTI) na lalaki pa ang bilang ng mga Sorsoganong sasapi at mas dadami pa ang mga local entrepreneurs na sasabak sa mga trade fairs hindi lamang dito sa loob ng bansa kundi maging sa labas ng Pilipinas.

Sa isinagawang reorganisasyon noong July 22, Provincial MSMEDC chair si Sorsogon Governor Raul R. Lee, co-chair si Zita Hababag, may-ari ng Sorsogon Iceplant habang magsisilbing alternate co-chair naman si Ryan Detera ng Tia Berning’s Pili Candies.

May kanya-kanyang representasyon naman sa PMSMEDC ang Sorsogon pili industry, handicraft, furniture, academe, consumer’s organization, real estate, hardwares, marine at iba pang mga private sectors.

Sa bahagi naman ng mga government line agencies, kabilang ang DILG, DOLE, TESDA, PIA, DA-OPA, DOST, PENRO at Provincial Tourism Office sa mga permanenteng kasapi nito. Habang ang DTI ang siyang tumatayong secretariat.

Ayon kay dating PSMEDC co-chair at icon of Business in Sorsogon Milagros Duana, mananatili pa rin ang kanyang suporta sa PSMED Council lalo pa’t parang pamilya na rin ang turing niya sa konseho dahilan na rin sa tagal ng panahong ginugol nya dito. (2002 – 2010 – tya mila as PSMEDC chair)

Si Duana na isa sa kauna-nahang Halyao awardee sa Sorsogon ay nagsilbing co-chair ng PSMEDC simula pa noong dekada nubenta at ilang mga gobernador na rin sa Sorsogon na naupong chairman ng PSMEDC ang nakasama niya sa loob ng mahabang taon. Bennie A. Recebido, PIA Sorsogon)

No comments: